32: December

16 3 6
                                    

Chapter 32

We may not admit it, but there is always something in December. It is special for it is the month when Jesus Christ was born, and it is somehow special for anyone who celebrate their special day on the same month. While, for the others, it reminds them of their heartbreaking memories. There is always something about December. December reminds you to give love and appreciation to people around you, without expecting something in return. You go to church with your love ones, more often.

Ngayon ang pang-siyam na simbang gabi at kasama ko ngayon si Kurt. Magkasama naming kinompleto ang siyam na gabi, may ilang araw na kasama namin si Tita ngunit dahil abala ito, kami lang din ang nagpatuloy.


"Merry Christmas!"

Sinalubong ng buong pamilya ang pasko, kasama rin ang ibang kamag-anak naming nasa malayo.

"Yan, kuha ka raw bagong lampin ni Yannah!"

Nagtungo naman ako kaagad sa kuwarto at bumalik sa sala kung nasaan sila. Nilapitan ko si Baby Yannah nang may ngiti sa labi. Hannah ang pangalan niya pero ang tawag ni Papa sa kaniya ay Yannah, kaya lahat kami rito sa bahay ay Yannah na ang tawag kay baby. Nakakapanibago dahil parang kahapon lang, walang Hannah Crystal at wala kami rito sa isang malaking bahay. Pero masaya ako, unang paskong kasama ang mga bagong tao sa buhay ko.

"Isha, tawagin mo nga Ate Yan mo," wika ni Manang. Narinig ko na iyon dahil malapit lang ako sa kusina kaya 'di na ako nag-abalang magpatawag pa ulit.

"Bakit po, Nang?" tanong ko.

"May pinabibigay si Mama mo sa mga Enriquez, ihatid mo raw ngayon," aniya.

"Okay po..." Binalingan ko naman ng tingin ang inabot ni Manang sa akin. Cake iyon pero hindi 'yong puno ng icing. Tinanggap ko na lang at nilapag muna sa mesa.

Nag-message ako kay Kurt na pupunta ako sa kanila para ibigay 'yong dala ko. Agad naman siyang sumulpot sa labas ng bahay kaya pinapasok ko na lang muna. Kaunting kuwentuhan lang naman ang naganap, tumanggi naman siyang kumain kaya nagtungo na rin kami sa kanila.

Sinalubong naman ako ng ngiti ni Tita at Jacob sa bahay nila Kurt, pagpasok na pagpasok ko.

"Merry Christmas, Tita," bati ko at yumuko sa kaniya.

"Merry Christmas din, Arianne, pasok ka." Inaya niya kami papasok sa kanilang bahay.

"Pinabibigay po pala ni Mama." Inabot ko naman sa kaniya 'yong cake.

"Hala, pasabi, salamat. Kumain ka na ba? Kain ka, marami pang pagkain sa mesa, Yan." Ngumiti siya sa 'kin.

"Opo, kumain na po ako," tango ko.

Bumaling naman ako kay Jacob na nasa sala lang at naglalaro. Siguro bagong bukas na regalo. Ngumiti naman ako at nilapitan siya.

"Hello, Jacob. Merry Christmas," bati ko sa bata.

"Low!" Kumaway-kaway lang siya sa akin nang may ngiti at bumalik ulit sa paglalaro ng kaniyang robot.

"Ang ganda naman ng toy mo, how does it work?" I asked.

Inosente naman niyang pinakita sa akin ang laruan at in-on ang likod nito kaya umilaw at nagsanhi ng tunog, nag-transform din iyon nang kusa. Wala sa sarili akong natawa at namangha.

"Wow, okay! Play ka lang diyan, ah?" Tumango lang naman siya kaya ngumiti ako at umalis sa tabi niya.

"Yanie!"

The Love We Share (Love Series #1)Where stories live. Discover now