33: Luha

14 3 2
                                    

Chapter 33: Luha

Year 2022 began smoothly, as I pray it would be good even as not as I wish it would be. Pinuno ko ng dasal o kahilingan na sana maging mabuti ang simula ng taon na ito, kahit pakiramdam ko ay mauuna na pala ang problemang buoin ang unang buwan nito... .

Kaagad akong bumangon nang masinagan ako ng araw.

"Ah, shit." I muttered.

Examination week ngayon, and look who's going to be late for school!

Hindi na lang ako umimik at binilisan ang kilos ko. Nang makabihis at makahanda, bumaba ako kaagad. Binati ko nang may tipid na ngiti si Manang, habang tinatahulan naman ako ng dalawang alaga kaya pumunta rin ako sa gawi nila.

"Nang, sila Papa po?" tanong ko.

"Wala rito ang Papa mo, Yan. May pasok ka pala," aniya nang may pag-aalala.

Saglit naman akong natulala at agad ring pinawi ng pekeng ngiti.

"Ah, okay po. Maglalakad na lang ako, morning!"

Mabilis naman akong naglakad paalis at kumaway na lang kay Cream at Stunner. Sakto ko namang nakita rin si Kurt na naglalakad noong palabas pa lang ako ng gate.

"Ugh, forgot my glasses." I groaned.

I rushed back upstairs to look for my eyeglasses there. Pinagpapawisan na ako at naiirita ako. Inayos ko kaagad ang sarili ko nang maisuot ko ang salamin ko. Sobrang hassle ng malabong mata.

Sumilip din ako muna sa mga chats ni Kurt at nasabi nga niyang naglalakad na siya papuntang school. Late rin daw siya nagising, at bakit hindi ko siya pinansin? His typings were kinda strange, like, ang tipid? Pft, forget it.

Nang makalabas ako ay sakto ko namang nadatnan si Papa kaya nagpahatid na ako. Wala naman na akong ibang dalang aalahanin, dahil naipasa ko na lahat ng proyekto na kailangan ko.

"Akala ko hindi ka papasok," wika ni Papa habang nagmamaneho.

Hindi lang ako sumagot at nanatiling nakatingin sa labas. Kanina ko pa sinusubukang hindi magtagpo ang mga kilay ko, pero kadalasan, tumataas lang nang kusa ang kilay ko.

"Bye, Pa." Bumaba naman ako kaagad nang makarating sa tapat ng gate ang sasakyan. Nakaalis din naman iyon kaagad kaya dumeretso na ako sa kung saan dapat.

Nakarating naman ako sa room na iilan pa lang naman ang estudyante, pero ang gulo ng mga nauna rito. Dumeretso naman ako kaagad sa seat ko at kumuha kaagad ng libro para mag-aral.

"Hello! Ay, nagbabasa. Ikaw kasi, huwag kang maingay!"

Bahagya naman akong nag-angat ng tingin sa babae kong kaklase na nakikipagharutan sa isa pang babae. Kinalma ko naman kaagad ang sarili ko. Huwag ngayon, masama ang gising ko.

"What do you need?" I asked.

"Ha? Wala, wala! Makikipag-friends lang sana, ganda mo!"

Ngumiti ako, "Thank you."

Bumalik naman ako sa pagbabasa at hinayaan lang sila. Rinig na rinig ko pa ang mga ingay nila mula sa likod, nagpapalitan ng impormasyon kung nag-review ba sila para sa exam o wala, kung nagpasa na sila ng mga projects o wala. Napailing na lang ako.

The day at school ended smoothly. I still tried getting along with my friends like nothing is wrong, because nothing is really wrong. It's just me.

"Bye, Aria! Ingat, ha?"

"You too." I gave them a slight nod and small smile.

Inayos ko naman ulit ang gamit ko, nang biglang kumalam ang sikmura ko. Right, 'di nga pala ako kumain. I only took one slice of homemade bread from the canteen for lunch.

The Love We Share (Love Series #1)Where stories live. Discover now