Prologue

78 4 0
                                    

I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul

"Huyyy!!!!!"

"F*ck!!!! Ano ba Raine? Bakit ka ba nanggugulat???"

Walang paa-paalam at basta na lang tinanggal ng malditang babae ang headset ko at umupo sa sofa, katabi ko.

"Kaya naman pala! Lalabas na ang larynx at pharynx ko, hindi mo pa ko naririnig! Nakaheadset ka na naman pala!"

Ano daw? Larynx at pharynx???

"Ano ba kasing ginagawa mo sa pamamahay ko?"

"Makapagsalita ka, parang hindi ka tambay sa pamamahay ko a?"

Wag na kayong magtaka, magkatapat lang kasi ang pinto ng condo namin kaya madali naming mabulabog ang isa't isa.

Pilit kong inagaw sa kanya ang headset ko, pero ayaw niyang ibalik at sinalpak pa sa magkabilang tenga niya. Pinagmasdan ko siya habang unti unting kumunot ang noo niya at saka pinaikot ang eye balls nya.

"Duh?! Eto na naman pinapakinggan mo? Kelan ka ba matitigil sa kahibangan mo Sky?"

Basta na lang niya inihagis pabalik sa kandungan ko ang headset.

"Pake mo ba? Psh."

Nagkibit balikat lang ang maldita at saka tumitig saken ng mataman.

"Gusto mo hanapan kita ng girlfriend?"

"Thanks, but no thanks Raine. Last time I checked, you set me up on a blind date and next thing I knew, I'm on a shotgun wedding." I smirked as she laughs.

"Hahahahaha! Yung muntik ka ng mapikot???"

"At natawa ka pa talaga sa mga kalohan mo Raine. Psh. Pasalamat ka, babae ka, kundi matagal na kitang nasapak."

Kahit kelan hindi ko pwedeng maliitin ang kakayahan ng isang RAINE MAJESTY MONTERO, dahil pagdating sa kabulastugan, siya ang number ONE, kung may mas mataas pa sa one, siguradong SIYA yun.

At ang nakakaasar lang, ako lagi ang biktima ng mga kalokohan niya, spoiled saken yan e. In tagalog, panis saken yan! Hahahaha. Tawa kayo.

"Alam mo nagtataka talaga ko sa'yo Sky e. Yung ibang lalaki, nakikipagpaligsahan sa pangongolekta ng girlfriend. Ikaw! NGSB ka na nga, choosy ka pa!"

Tumayo ang maldita at inikutan ako habang pinagmamasdan ako na tila bacteria sa ilalim ng microscope.

"Umamin ka nga Sky Walter, baka naman kaya hindi ka pa nagkakagirlfriend kasi..."

Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng ulo ko. Napasiksik akong mabuti sa sofa ng unti unti nyang ilapit ang mukha niya sa akin. Napalunok ako.

"Anong ginagawa mo Raine?" Pabulong kong sabi, di yata't may HD saken ang bestfriend ko?

Inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko, sa paraang pinatatahimik ako. Gahibla na lang ang layo ng mukha namin kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Kasi..." Tumitig siya sa mga mata ko.

"Kasi boyfriend pala ang hanap mo..." pabulong at sweet niyang sabi kasabay ng paglayo niya saken at saka tumawa ng tumawa.

"My gawwd Sky! Hindi ko talaga maimagine na bading ka! Hahahaha."

Ang tagal bago nagsink in saken yung sinabi ni Raine at...

Teka, ANO DAW???? AKO??? BAKLA???? F*CK!!! GAHASAIN KO KAYA TO?

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya.

"ANONG SABI MO??!" Humakbang siya paatras habang patuloy ako sa paglapit sa kanya.

"Hahahaha! Hindi ako bakla-kla-kla-kla! Hindi ako shokla-kla-kla-kla!" Ta mo tong babaeng to, nagawa pang kumanta, maturuan nga ng leksyon.

Medyo nanlaki ang mata niya ng masandalan niya ang pader sa likod niya. Napangisi ako.

"Cornered."

Agad kong kinuha ang dalawang kamay niya at itinaas sa may ulo niya.

"Hay naku, napapala mo kanonood mo ng mga love story e. Pwede ba Sky? Wala akong balak maging Anastacia mo, at malayo ka kay Christian Grey kaya please lang ibaba mo na ang mga kamay ko."

Napangisi ako lalo sa sinabi niya, naalala ko yung elevator scene sa 50 Shades of Grey.

"You smell good Raine.."

Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at ramdam kong napahugot siya ng hininga. Tinitigan ko siya ng malapitan, yung tipong maduduling siya sa pagtingin saken. Nawala ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya.

"Raine.. I'm going to..."

Bumaba ang mukha ko sa kanya at itinapat ko ang labi ko sa labi niya.

"Kiss you..."

Napasinghap siya at napapikit kasabay ng pagbulong..

"Sky... maawa ka..."

Tatawa tawang binitawan ko siya at napahagalpak ako ng tawa lalo ng mapagmasdang namumutla siya.

Nagmulat siya ng mata at bumalik na ang mapang asar na ngiti sa labi niya.

"Hindi pa ko tapos. Sky... maawa ka... ayokong bading ang maging first kiss ko!  Hahahaha!"

Baliw na babae talaga! Suko!

"Tandaan mo Raine, hahanapin ko si Ms. Beautiful Soul, and when I found her.. I will never let her go."

"Kwento mo sa pagong Sky. Naniniwala akong hindi hinahanap ang love, kusa yang dumadating. You just have to wait."

Chasing Ms. Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon