Chapter 2

51 3 2
                                    

(Raine's POV)

Pagdating sa court ng subdivision namin, nadatnan namin ang magkapatid na Justine at Jewel na naglalaro ng badminton. Kababata din namin sila. Close kami ni Jewel at syempre close din si Luke at Justine.

"Kuya! Look who's here! Sissy Raine and Luke!" Malakas na tili ni Jewel sabay sugod saken ng yakap.

"Makatili ka naman diyan, kala mo kung sinong artista yung dumating." Natatawang sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang pagyayakap niya na akala mo'y nandidiri ako sa kanya.

"I miss you Maj." (Maj pronounce as Madge.)
At si Justine naman ang yumakap saken, pet name niya saken yan e.

Kinilig ako sa yakap niya, promise! Crush ko kasi yang si Justine, atin lang yan ha? Wag kayong maingay kay Sky, baka ibuking pa ko nun. Daldal pa naman niyan.

"Namiss din kita Just."

Bukal sa puso yun. Hahaha. Gusto ko ngang yakapin na lang siya ng yakapin. Eeeeh! Hanlandeee!

"Laro tayong badminton Raine." Yaya saken ni Jewel kaya napakamot ulo na lang ako.


"Ahmm. May pustahan kasi kami nitong si Sky e. Basketball."

"Ay ganun ba? Sige, go sissy! Ichicheer na lang kita."

"Basketball? Sali naman ako oh. Kampi tayo Raine." - Justine

Biglang sumabat si Sky.

"Sige. Pwede kang sumali in one condition, tutulungan mo lang si Raine pero ang counted lang sa score niya ay kapag siya ang nakashoot ng bola."

"Okay. Game."








Umpisa pa lang ng game lamang na agad si Sky, hindi naman kasi ako makapagfocus dahil andyan si Justine. Enebe.

2 pts na lang at panalo na ang mokong at sa kagustuhan kong maishoot yung bola, hindi ko napansin na nakapwesto pala sa likod ko si Justine. Pagtalon ko para ishoot yung bola, nasagi ko siya at sabay kaming bumagsak sa semento, me on top.


Hindi ko malaman ang gagawin ko nang makita kong nakapikit si Justine at mukhang nasaktan.

"Just, naku! Sorry! Alin ba ang masakit sayo?"

Hindi pa rin sya kumibo at nakapikit pa din na tila nahihirapan. Sa katarantahan ko, basta ko na lang hinaplos ang mukha niya at ang mga braso niya, hoping it would ease the pain. (Libreng chansing na din, hahahaha!)



"Maj, masakit... dito..." sagot nito at tinuro ang tapat ng puso nito ng paeksaherado.

Napasimangot siya kaya naman tuluyan na siyang niyakap nito kaya napasubsob siya dito.

Oh men! Dreams do come true. Eeeeeh!!!

"Namiss lang kitang kulitin Maj, wag kang sumimangot, hindi bagay sayo."
Kinurot niya pa ko sa pisngi.


"Gosh!!! So nakakakilig kayo Kuya and Sissy! Tinginan niyo pa lang, parang LizQuen na. Eeeh!!!!" Kinikilig pa si Jewel, hahaha. Supportive yan sa pagkacrush ko sa kuya niya e.



Nagulat silang tatlo ng malakas na tumama sa gilid ng ring ang bola na basta na lang binato ni Sky at naglakad na palayo.



"Oy Sky! Hintay!" Napatayo ako bigla pero dere derecho lang siya naglakad palayo.

Napatingin na lang ako sa magkapatid na nakapoker face, si Jewel, umiiling iling pa.

"Anong nangyari dun?" Takang tanong ko sa sarili.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Ms. Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon