Chapter 2

221 3 0
                                    


June 7, 2015. Alas sais ng gabi.


"Brandon, bantayan mo 'tong si Go-ing ha at mayayari ka sa Tito mo Hahaha. Kilala mo iyon magalit! Huwag mo turuan mangchicks at maglakwatsa. Nako mayayari talaga tayo." bilin ni tito Bradd habang tumatawa.


Sobrang swerte ni Tita Angela kay Tito dahil bukod sa gwapo ay talaga namang loyal si Tito Bradd. Nasa mid 40's na si Tito pero wala parin kupas ang ka-gwapuhan. Dad bod si tito at sobrang palabiro. Ang sabi niya nga kanina bago kami umalis, "Nako, kung hindi lang ako pinigilan ni Tita mo e maganda rin ang katawan ko ngayon. Natatakot kasi yun na may maakit akong iba kaya ayaw niyang magpaganda ako ng katawan! HAHAHA." Sobrang lakas din naman kasi ng appeal ni Tito. Hindi naman malaki tiyan ni tito pero chubby katawan at maputi. Tulad ni Kuya Brandon, malinis siya tignan. Nagmana kay Tita sa itsura si Kuya Brandon kaya di ganun kasing gwapo pero tulad ni Tito, may appeal si Kuya.


Hindi ka rin talaga magtataka sa itsura ni Kuya Bryan kung bakit ganun kapogi kasi manang mana sa itsura ni Tito Bradd. Eto pala yung mga kamukha ni Kuya para ganahan kayo. Hanapan ko rin soon si Tito Bradd kapag time niya na.


On the way kami sa dorm. Hinatid kami ni Tito Bradd gamit yung SUV nila. Nasa harap si Kuya Brandon at ako naman ay nasa gitna. Sa likod si kuya Bryan na natutulog.


"Pa, eh good boy yan si Inggo. (palayaw ko) May girlfriend din yan kaya for sure nakatali. Kumusta pala kayo ng girlfriend mo boy?" Tanong ni Kuya Brandon sa'kin.


"Okay naman kuya. Mukhang hindi na rin kami magtatagal gawa ng sa states na daw siya mag-aaral after niyang mag high school." Sagot ko.


"Oh? Bakit naman? Magbe-break kayo? Ayaw niyog LDR?"


"Ayaw ko Kuya. Eto nga lang na nagkaiba kami ng school, medyo madalang kami magkita kaya madalas na kami magaway. Tingin ko ayaw niya rin pero bahala na." Sagot ko.


"Nako, bata ka pa naman pang'kin. Marami ka pang makikilala. Lalo na college kana. Balita ko din dito kay Kuya Brandon mo maraming magaganda sa Trade (nickname ng school na papasukan ko). For sure may makikilala ka dun. Tignan mo 'tong kuya mo, 3 ang chikas. HAHAHA" Biro ni Tito.


"Huwag turuan eh no? Galing din ni Papa! Tsaka loyal kaya to! Boy huwag ka maniwala diyan kay Papa. Marinig yan ni Abby (GF niya) maniwala pa'yun, yari ako. Hehe" Sagot naman ni Kuya Brandon.


Tumawa lang ako sa kanila.


"Ako noong college ako, hindi ko rin naranasan mangchicks kasi si Tita mo nakilala ko 2nd yr highschool kami. Natali na ko simula noon. Haha kaya ikaw pang'kin, enjoy mo lang 'nak. Binata ka pa. Experience mo ang kung anong pwede at gusto mo."


Dumating kami sa dorm ng 7:30pm. Kumain lang kami tapos umuwe na si Tito. Dumiretso na sila kuya sa kwarto nila at ako naman ay inasikaso ni Tita Ian sa room.


Walang tao pagpasok namin sa kwarto. Kaagad kong inayos yung higaan ko at nagsalansan ng gamit. Malaki din ang room namin. May lamesa kung saan ka pwede kumain kung ayaw mong kumain sa dining area sa labas. May isang lamesa din na pang isang tao lang na may nakasulat, "STUDY TABLE."

Gringgo's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon