DOS

18 0 0
                                    

Chapter 2

Hypnotized by the lights


Una kong naisip. "Nagcheat kaya siya? Or magcheacheat pa lang?"

To be honest, this kind of drama, is very sensitive to me or should I say I'm very cautious about cheating and kabit. Not because it happens to me, well actually it did, but it's not like that. But short story short a guy asked me if he can have a secret relationship while he's with another girl, kung sila na ba or nanliligaw pa lang siya. But then I almost said yes, so yeah. Not so much deeper like the rest of the story, but what happened back still stays with me, it made me so cautious now and well awake.

Kuya Jace, is also tenured, it's the reason I called him kuya, even though we are almost the same age, late or early 20's. But in his age now, he's got his own family now. He's got two sons and he's married.

Sa totoo lang masyado nang nanonormalize na lalaki ang una at laging nagchecheat. Although I know we should never generalize men, I can't help but think he's in a brink of cheating.

"Personally, if he cheated me three times now? Iisipin ko na di niya talaga ako mahal." Sabi ko sa tanong niya.

"At hindi rin ako tatagal na hahayaan kong lokohin niya ako ng tatlong beses, I would leave him the first time he did it. But then, I guess kung mahal mo talaga ang tao, magiging tanga ka muna, mag-sstay." Dagdag ko.

"Asawa ko, nakikita na naman yung pattern or kung anong nangyari noon nung nagcheat siya sakin."

Literal na napanganga ako. Oh My ghad?

His wife?

Damn, I never met his wife pero ang malaman na babae ang nag cheat ay talaga namang nakakagulat para sakin. I mean, I'm not saying na hindi nagchecheat ang babae pero nakakagulat parin.

Hindi ko rin maintindihan kung na kung bakit niya nagawa iyon sa totoo lang, kasi nakwe-kwento siya saming dalawa ni Patrick, tutal tuwing nag oonsite kami, kami pa ring tatlo ang magkakasama.

Palagi niyang nababanggit na kasabay niya yung asawa niya umuwi kasi nasa BPO din at malapit sa pinagtatrabahuhan namin at halos pareho sila ng oras. Para di sayang sa gas dahil ginagamit nila sasakyan.

Doon pa lang makikita mo na okay sila. Na mahal niya. Saka sa totoo lang sa ilang weeks kong kasama at kausap si Kuya Jace, komportable ako sa kanya, kasi hindi siya nambabastos ng babae, kumbaga alam mong may respeto siya sa lahat ng tao. I don't know why I know that, but that's what I saw.

Wala akong experience sa relationships, kaya hindi ko rin alam kung paano at kung tama ba ang mga ibibigay kong advice. Pero inaddvisan ko siya ng sa tingin kong tama.

Kinuwento niya sakin ang cheating history ng asawa niya at sobrang naawa ako sa kanya.

"Nung nagpakasal kayo, gusto mo ba yon?"

"Oo naman Jean, mahal ko asawa ko. Ilan beses ko na siyang tinangap ulit sa kabila ng mga ginawa niya."

Awang awa naman ako sa kanya. Nangyayari pala talaga to sa totoong buhay. Pero hindi ko iyon sinabi sa kanya.

Ang sabi niya, palagi namang may load pero hindi nagrereply, hindi nag babackread, while he makes time and checks on her during breaks and lunch, she doesn't. Sabi niya rin, pag nasa bahay, parang hindi na sila naguusap, gigisingin lang siya tapos aalis na ng kwarto, things like that.

"When was the last na nagdate kayo?" Tinanong ko rin kung kailan ang last na love making nila, 

Aniya matagal na din daw ang huli nila, at hindi na nga din sila nakakalabas.

"Why don't you take her out on a date? Mag-saya kayo, like balikan niyo yung dati niyong ginagawa nung kayo lang. I think sa relationship need pa rin na yung kayo lang." Sabi ko. Thinking na maybe wala na silang time sa isa't isa because of the kids and work.

But I guess, it didn't worked. Ganun pa rin si Kuya Jace at parang laging lutang at problemado.

He said, ako lang daw pinagsasabihan niya ng problema niya ngayon.

I did and said everything that I thought could help him, maybe fix things with his wife. Kasi, like he said mahal niya yung asawa niya. So, maybe it could still work, kasi paano kung hindi naman talaga totoo, diba?

I was going on site at least once or twice a week because of the lack of support in our team, and I thought it was much better to be onsite, because I had the chance to socialize.

I don't go to work on site the day after our off, Patrick, Kuya Jace and I had the same schedule.

One day after our shift, nauna nang umuwi si Patrick, susunduin din ang asawa. Kuya Jace stayed and waited for me to finish my case, although I told him he could go home since I know his wife is waiting for him in the car. Sabi niya okay lang, he could wait. It was always like that with the three of us, naghihintayan na kami, nagulat pa nga ako nung una dahil hinintay pa nila ako eh ang dami ko pang seremonyas na ginawa bago talaga umuwi, pupunta ng restroom, mag-aayos ng konti. Hindi ko naman alam na hinitay nila ako noon, kaya parang nakagawian na.

Before kami maghiwalay ni Kuya Jace dahil iba ang way niya dahil sa parking lot ang diretso niya.

"Mag-oonsite ka sa Monday?" Tanong niya

Napaisip ako. "Hindi yata, di ko sure, depende."

Tumango siya at parang may gustong sabihin pa yata pero di na sinabi. Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam na sa kanya. That's so weird. 

Habang papalayo, napaisip ako, ang lungkot talaga ng mukha niya lagi. Hindi ko maiwasang maawa.

Kung totoo mang nagloloko asawa niya, ang sarap sabunutan. Parang bihira lang talaga ako makakilala ng katulad ni Kuya Jace, mabait, marespeto lalo na sa babae, my gosh, kahit hindi sabihin ng mga colleagues ko ay alam kong may ilang nagkakagusto sa kanya.

Attitude and behavior is one of the keys to win a woman's heart.

Kaya naman...

Hindi ko alam kung paanong nagsimula.

Pero saka ko lang na realize ang mga bagay bagay nung huli na. 

Are You Coming For The RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon