Prologue

11 2 0
                                    

Prologue

Ininda ko ang sakit ng ulo ko, mariin akong pumikit at halos sabunutan na ang sarili. Kagigising ko lang at halos 2 oras lang ang tulog ko. Nasa bahay ako ngayon ng tito at at tita ko dahil nagkayayaan kaming apat na magpipinsan na mag sleepover at movie marathon dito sa kanila. Tinignan ko ang tulog kong kapatid sa tabi ko, may klase pa to kaya sinipa ko siya at nahulog sa kama.

"Ouch!" ininda niya ang sakit galing sa pagkakahulog. Matagal pa bago siya bumangon hawak ang likod niya.

He's a year older than me but he thinks he's ten years older. He is very protective and stubborn sometimes. Parehong pareho sila ni Zion, pinsan namin.

Alas 7 na. We have 1 hour to prepare for school. Hindi ko alam kung bakit pa kami nag sleep over kagabi kung ganito lang din naman ang kalalabasan. Sa tingin ko'y kanina pa gising si Megan dahil kaming tatlo nalang ang naiwan dito sa guest room. Hindi ako sigurado, baka lumipat lang iyon sa kwarto niya para hindi maistorbo. Bahala na sila.

Madalas kaming natutulog dito sa bahay nila Megan dahil malapit lang sa school. Habang 'yong bahay namin medyo malayo pa. Dito kami natutulog kahit pa may building naman kami sa centro dahil madali akong ma bored. I hate to be alone. I hate to think much.

Iniwan ko na si kuya dahil alam kong matatagalan pa iyon kahit may sarili siyang sasakyan. Sumakay ako ng tricycle kahit 10 minutes away na lakaran lang ang AdNU. Pakiramdam ko nawala ang antok at sakit ng ulo ko dahil late na ako. Tinakbo ko na ang papasok ng campus sa sobrang pagmamadali.

Nang pumasok ako sa room ay wala pa namang prof kaya nakahinga ako ng maluwag at sumandal na lamang sa upuan. I didn't even eat breakfast dahil sa pagmamadali tapos wala pa pala 'yong prof. What a day.

My phone beep for a message. Agad ko iyong tiningnan.

Ang kuya kong panget:

Hindi ka nag breakfast? Dadaan ako sa room niyo, bumili ako ng burger.

Ako;

Yes please. Nasa Arrupe ako.

Nagmadali ako palabas ng Building, hindi nagtagal dumating na rin siya. Inabot niya sa'kin ang dala niyang pagkain at agad na umalis.

"Thanks!!!" I shouted, looking at him walking away. 

Ngumisi ako. How cold. Pumasok ako ng room at nilantakan na iyon.

I'm a freshman taking Business Ad here in AdNU. Si kuya, 2nd year Nursing, si Megan ay HRM freshman habang si Zion naman ay 2nd year, Engineering.

Some of my classmates gossips how spoiled I am. Our father is the City Mayor so we get more attentions from other people. Some hates me for nothing but some are casual. Kuya said that I have a bad temper reason why i don't have any friends, just my cousin Megan.

After my morning classes mabilis kong hinanap si Megan sa canteen. Hindi ako nahirapan sa paghahanap dahil madali lang naman siyang mahanap. She has this very long hair na abot hanggang baywang. Which is very unlike me. Maikli ang buhok ko na hindi lalagpas sa balikat.

"Anong oras ka nagising kanina?" tanong ko dahil gulat ako ng mag text siya kanina na magkita kami. Buong akala ko hindi siya papasok dahil tulog pa siya.

"6 30 ako nagising," aniya.

"Alas dos ka kasi natulog! Iniwan mo kami. Alas 5 na ako nakatulog, ewan ko sa dalawa."

"Si Arjay panigurado pumasok. Si kuya sigurado ako nananaginip pa!" tumawa siya.

"Uuwi ka ba sainyo mamaya?" tanong niya.

The Night that We Kissed (Seasons Series #1)Where stories live. Discover now