Ang Kahinaan

54 1 0
                                    

Ang Kahinaan
By: #McMcEmozkie

Mahirap bumangon kapag inamin mong tinalo ka ng mga problema mo. Mas lalo sigurong mahirap kapag wala kang karamay sa pagbangon. Kung may pinagdadaanan ka, daanan mo lang. Huwag mong tambayan. Huwag mong hahayaang pumirmi sa isang sitwasyon na akala mo’y hindi mo na masosolusyunan. Isipin mo na lang na kahit gaano karami ang iyong mga problema, mas marami pa ring solusyon na babagay diyan.

Huwag maging nega, dre. Hindi lang ikaw ‘yung taong binagsakan ng langit at lupa. May mga iba pa nga na nakakasigurado akong mas mabigat pa ang mga pinagdadaanan kaysa sa’yo. Mas mabigat pa sa timbang mo. Gusto ko lang na malaman mong may mga kaibigan kang pwedeng umagapay sa’yo. Pwedeng makinig sa’yo. Pwedeng iyakan mo. Pwedeng hampas-hampasin mo.

Ang mga problema’y laging nandiyan pero siguradong may katapusan. Tingnan mo nga ‘yung sinasabi nilang katapusan na ng mundo nung taong 2012. Anong taon na ba ngayon, ‘di ba? Masarap sa pakiramdam ‘yung nailalabas mo ‘yung mga sakit na nariyan sa loob mo. Pero mas masarap pa rin kung alam mong sa sarili mong lahat ng problema’y may solusyon.

The Book of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon