Ilusiyon

48 6 9
                                    

Papel at Tinta

Sabi nila sayang lang ang mga bagay nayan.
Bagay na hindi ko na dapat paglaanan ng atensyon.
Bagay na hindi ko dapat pinagaaksayahan para sayo.

Para Sayo. Oo, Para sayo
Bawat Gabi hindi ko magawang matulog ng walang nagagawang akda para sayo.
Tuwing akoy pipikit, tuwing akoy mag iisip
Ng mga salita tungkol sayo ikaw lang ang nasa isip ko.

Sayo. Oo, Sayo
Sayo lahat iaalay
Lahat ng mga akda
Mga tula
Mga kwento na madalas tayo ang bida.
Ikaw ang bumubuo ng bawat letra na aking sinusulat gawa ng papel at tinta.

Ikaw yung rason sa lahat ng bagay na ito.
Lahat ng hugot dito patungkol sayo.
Minsan nga natanong ko darating kaya ang araw na mabasa mo to??
Darating kaya ang araw na sabay tayo lilikha ng ating mga lathain?
May araw kayang gumawa ka ng akda para sakin??
Minsan ba sumagi ba ako sa isipan mo?
Pero alam ko hindi naman.

Isa lamang akong hamak na estudyanteng gumagawa ng mga akdang pampanitikan na hindi perpekto.
Hindi patok sa panlasa ng mga madla
Hibdi tulad ng sayo. Mga akda mong malalalim ang mga ibig sabhin na pumukaw ng aking atensyon dahilan para akoy humanga sayo.
Nangangarap na ang lahat ng iyon ay laan para sakin.

At sadyang mapagbiro ang tadhanan.
Pinaglapit ang ating landas na mula sa magkaibang planeta.
Para sa akin nandoon ako sa planetang pluto at ikaw nandidito. Dito sa mundong nabigayan ng buhay dahil sayo.
Mundong tinatawag kong Paraiso.

Halos manghina ako dahil sa kaba habanfg tinatahak ko ang daan patungo sa iyong opisina.
Ikaw ang nasa pinakamataas na posisyon sa Ed Board.
Hindi ka lang kilala bilang manunulat kundi bilang isang atleta, myembro ng Student Council. Isang Estudyanteng matunog ang pangalan.

Kaya dapat lang akong kabahan.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon