Chapter 3: Ran

16 2 0
                                    

***

Ngayon na magsisimula ang club registration. Wala akong masalihan na club dahil ang boring ng mga clubs na ginagawa nila.

Papasok na sana ako ng classroom nang bumungad sa harapan ko si Daisy na may suot pang baseball cap na pabaliktad.

"Oy!" bati nito pero hindi ko siya pinansin.

Member siya ng sports club, specifically, softball. Madalas ko silang nakikita na naglalaro sa field. Pinasadahan ko ito ng tingin.

Nakasuot siya ng Jersey na kulay puti ay may linyang maroon sa gilid habang may number 3 naman sa harap nito.

"Ba't ka nag leave sa gc ha?" maangas na tanong nito pero malamig ko lang siyang tinignan at dumiretso nalang sa upuan ko.

Nilabas ko ang papel na hawak. Club registration form. Dahil ayaw ko namang sumali sa mga clubs napag-desisyunan kong gumawa ng sarili but before I even do that, I need to have at least 5 members to join my club para makakuha ng budget sa head.

Napabuga ako ng hangin at mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng estudyanteng may parehong interest saakin lalo na sa pagbabasa.

"Ano yan?" tanong ni Daisy at marahas na kinuha sa kamay ko ang registration form. Hindi ko na maitago ang inis ko kaya't galit akong tumayo bagay na nakapagpatumba ng chair ko kaya't ang lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na saakin.

"Akin na!" I say, anguish.

"Ayaw ko, bleh!" asar nito at nilabas pa ng gaga ang dila niya. Grr! kainis.

Mas matangkad ito saakin kaya't kinuha ko ang natumbang bangko at tumingkayad para maabot ang braso niya. Saktong sa paglingon niya ay nadikit ang pisngi niya sa labi ko.

Para itong nanigas sa kinatatayuan niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kuhanin ang papel. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko pero hindi ko 'yun pinahalata bagkus ay naupo nalang ulit ako sa upuan ko na para bang walang nangyari.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay habang kunwareng may sinusulat sa notebook.

Nilingon ko si Daisy na nakabalik na rin sa upuan niya at nakadungo ito sa desk niya.

Bumalik na rin ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila.

Maya-maya pa'y dumating na ang teacher namin sa P.E na nakasuot na ng jersey at parang readyng-ready na sa p.e class namin pero kami lang ang hindi.

P.E ang pinaka hate na subject namin because we suck at it. We may excel in other aspects but if we talk about p.e I'll just ignore you and continue my day.

Ang sabi ng teacher namin ay magdala ng p.e uniform since we will be having a p.e class today but I seems to forget to bring my clothes.

Nagtaas ako ng kamay para tawagin ang atensyon ng guro namin.

"Sir, wala po akong p.e uniform." ang sabi ko. Ang unang tumingin sa direksyon ay ang katunggali ko sa top spot si Mira Nicole na laging below saakin kaya nagkakaroon siya ng inferiority complex whenever I'm around.

"Then zero ka sa quiz, since this will consider as your quiz and extra points sa mga naka complete attire," para akong pinagsakluban ng langit at lupa considering how grade conscious I am.

Ngumisi si Mira Nicole sa sinabi ni Sir kaya't pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nakanguso akong dumungo sa table ko at kaniya-kaniya na nagsialisan ang mga kaklase ko dahil magbibihis sila sa c.r.

Isang malambot na tela ang dumampi sa pisngi ko, nang itaas ko ang ulo ko ay bumungad saakin ang itsura ni Daisy. Seryoso ito at wala kang mababakas na kahit anong reaction sa mukha niya.

Unchained Hearts (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon