Chapter 2

26 2 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang? Diba sabi ko sayong umuwi ka?"

"umuwi na nga ako diba?"baliwalang sagot ni Trince sa Mommy niyang kasalukuyang nagbabasa ng kung ano sa laptop nito. at printing nakaupo lang sa sofa.

Alas dose na ng tanghali ng mapagdesisyonan niyang umuwi sa bahay nila. Nakitulog lang siya sa condo unit ng Bestfriend niyang si Fritz.

"bakit ka biglang umalis ng party kagabi?"tanong ulit nito pero ngayon ay nakatitig na ito sa kanya. Inilapag din nito ang hawak na laptop.

"ang boring kasi."maikling sagot niya ni hindi man lang siya natakot sa Mommy niya.

"kahit na. party yon ng kapatid mo, kaya nga hindi ka dapat na umalis.."mababakas sa boses nito ang iritasyon.

Naningkit naman ang kanyang mga mata pagkarinig sa mga sinabi ng Mommy niya.

"let me correct you Mom, hindi ko kapatid ang isang yon. Anak mo lang naman yon sa labas diba? Bunga yon ng pagtataksil mo kay Daddy kaya wag mong aasahang kikilalanin kong kapatid ang anak mo. dahil wala akong kapatid na katulad niya."naiinis na sagot niya rito hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, na isumbat sa Ina ang ginawang kasalanan nito sa Daddy niya.

Inilang hakbang naman ng Mommy niya ang distansyang pumapagitna sa kanilang dalawa at hindi na siya nagulat pa sa sumunod na ginawa ng kanyang Mommy.

"hindi kita pinalaki para sagot sagutin lang ako ng ganyan Trince.."galit na galit na wika ni Mrs. Antonette Haenmann ang kanyang Mommy.

Napahawak naman si Trince sa kanyang namumulang pisngi na sinampal ng kanyang Ina. tinitigan muna niya ang mukha ng Mommy niya na tila non lang nito narealize ang ginawa. pagkatapos niya itong pagmasdan ay binigyan niya lang ito ng ngiting nang aasar.

***

"BAKIT andito yong mga maid niyo Kendrick?"nagtatakang tanong ni Meshia sa kababatang si Kendrick pagkapasok niya sa condo unit nito.

"may ibang gagamit kasi nito."simpleng sagot ng binata na nakaupo lang sa couch habang nanunuod ng Tv.

"ha, sino?"may halong lungkot na tanong niya rito.

"isang taong matagal ko nang hindi nakakasama."sagot niya habang sa screen parin nakatingin. pakiramdam niya parang nanikip bigla ang kanyang dibdib pagkarinig sa sinabi nito. Pabagsak na napaupo nalang siya sa katabing couch na inuupuan ni Kendrick.

"eh ikaw saan ka titira?"matamlay na tanong niya.

"sa bahay.. yon kasi ang gusto ni Mommy ayaw niya kasing mapag isa ako. alam mo naman diba kung ano ang dahilan."nilingon siya nito at saka nginitian.

Tumango tango naman siya. kung ganun pala hindi na niya ito palaging makikita. kaya nga siya nagpabili ng condo sa Daddy niya ay dahil rito. dahil gusto niyang palaging nakikita si Kendrick.

***

Fritziell Ethel's Point of view

"bukas na pala ang alis mo? Grabi mamimiss kita Ethel!"sabi niya sabay tabi sakin ng upo dito sa buhanginan.

"sus, mukha mo! Mamimiss mo ko? Sinungaling!"pag iinis ko sa kanya pilit kong tinatago ang lungkot na nararamdaman ko.

"sa maniwala ka man o hindi Ethel talagang mamimiss kita. medyo malayo pa naman ang manila dito sa atin."seryosong sagot niya. Aba seryoso ata ang isang to at hindi napikon sakin. -_-

Kaya napabuntong hininga na lamang ako at pinagmasdan ang paglubog ng araw. Ito ang palagi kong ginagawa. lagi akong tumatambay dito sa dalampasigan at tinatanaw ang paglubog ng araw. at paniguradong mamimiss ko to. at sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong hininga ulit ako.

Your My First and Last Love(ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon