AYA AKARI IKIGAI POINT OF VIEWPabalik na ako sa bahay namin ng marinig ko nanaman ang iyak ni mama, panigurado binugbog nanaman siya ng kaniyang butihing pangalawang asawa, walang nagbago.
Pagpasok ko sa pintuan nakita ko siyang umupo sa aming sofa habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasang natamo mula sa pambubugbog ng aking evil step father diyan naman siya magaling e ang gamotin ang pasa at sugat na natatamo niya mula sa kaniyang butihing asawa. Nagkatinginan kami at may nais sana siyang sabihin saakin ngunit nilampasan ko lang siya at hindi pinansin, dirediretsong naglakad sa hagdanan patungo sa aking sariling kwarto.
Masama man akong anak sainyong paningin, ginusto niya naman 'yun. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na iwan niya na ang kaniyang pangalawang asawa ngunit ayaw niya makinig saakin, sarili niya lamang ang kaniyang pinapakinggan at ang kaniyang minamahal na pangalawang asawa, wala na akong magagawa pa.
Unang beses ko palang nakita ang kaniyang pangalawang asawa ay alam kong ayaw ko na sakaniya and the feeling is mutual. Kung hinahanap niyo ang totoo kong tatay? namatay siya noong 5 years old palamang ako dahil sa car accident, nadepress si mama noong mawala si papa 'yun ang akala ko ngunit nang lumipas ang isang taon mula ng mawala ang aking biological father bigla nalang may ipinakilala si mama saakin, at siya daw ay aking magiging papa, nagalit ako oo dahil iisa lang ang aking papa at wala ng iba pa , nagpatuloy pa rin ang kanilang relasyon kahit tutol ako, mahal ko si mama kaya ayoko maging hadlang pa sakanila kaya ay binigyan ko nalamang ng oras ang aking sarili para tanggapin sila ngunit hindi ang maging papa ang kaniyang kasintahan, kalaunan tinanggap ko rin ang kanilang relasyon dahil nakikita ko namang masaya si mama at medyo nakakarecover sa depression niya.
Ngunit 'yung sayang 'yun saglitan lang pala, lumipas ang isang taon mula ng kinasal sila sa U.S. pag-uwi nila ng pinas ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Yung dati kong pala ngiti at parang hindi maka basag pinggan na step father ay lumabas din ang tunay na ugali. Nakita siya ni mama na nambabae, mula sa kompanya si mama noon at namomroblema sa kaniyang nalamang balita na nanakawan kami ng isang bilyon sa kompanya na iniwan ng aking yumaong ama na kinabankrupt namin.
"Victor! bakit mo ginawa saakin 'to? hayop ka!" sigaw niya dito at tinignan ang babae ng aking step father.
"At ikawng babaitang haliparot ka! kay bata-bata mo pa, lumalandi kana! 'yung may asawa pa talagang tao!!!" sigaw ni mama ng akmang sasampalin niya ang babae ng aking step father ay biglang sinalo ito ng aking step father at siya mismo ang sinampal nito.
"Huwag na huwag mong sasampalin at sisigawan si Kathy!" sigaw nito kay mama at akmang sasampalin niya ulit si mama ng napigilan ko ito gamit ang walis hinampas hampas ko ito sa step father ko alam kong hindi ito masyadong masakit dahil isa musmusing bata noon na pinagtatanggol ang kaniyang ina laban sa nanakit dito.
At dahil sa panghahampas ko sa aking step father, sinigiwan ako ng kaniyang babae at sinabunutan.
"Mana ka talaga sa mama mong tanga tanga! huwag na huwag mong hinahampas ang bebe vecter ke!" yung boses niyang galit ay biglang naging malanding boses noong binigkas niya ang salitang 'baby victor ko'.
"Walanghiya kayo! ang bababoy niyo! dito nanga kayo nagchuchukaan ng KABET MO sa pamamahay ng yumao kong asawa ang lakas pa ng loob niyong saktan ang anak ko?! lalo kanang haliparot ka! lumayas ka! at ikaw Victor mag usap tayo! ano 'to?!!" sigaw ng aking mama na patanong ni mama, kahit alam niya ang kasagutan.
"Tanga ka talagang hakluban ka at HINDI AKO KABIT!!! hindi mo ba nagets huh? o gusto mo pang ipamukha ko sayo mga katangahan mo?!!!" sigaw nito kay mama na kinagalit ni mama ngunit hindi niya magawang sampalin ang babae dahil baka sampalin nanaman siya ni Victor.
"Ano ang nangyayari Victor?!" tanong ni mama sa pangalawa niyang asawa.
"Shunga ka talagang hakluban ka! hindi mo talaga magets sige magsasayang ako ng laway para sayo total shunga ka e! UNANG UNA SA LAHAT HINDI AKO KABET DAHIL AKO ANG LEGAL NA ASAWA!! PANGALAWA NILIGAWAN AT PINAKASALAN KALANG NIYA PARA PERAHAN KA!!! AT FAKE MARRIAGE LANG ANG NANGYARI SAINYO, ANONG AKALA MO SA ASAWA KO PAPATOL SA TUYO'T MONG BULAKLAK??! NAG IIMAGINE KA ATA!" sigaw nito kay mama na nagpagulo kay mama at saakin.
"Totoo ba 'yun Victor?!!" tanong ni mama na parang humihiling na sana 'hindi' ang sagot nito, ngunit bigla nalang nalugmok ang kaniyang mukha sa sagot nito.
"OO! ANONG AKALA MO SA ASAWA KO, SINUNGALING?!!! TANGA KALANG TALAGA AT NAGPAPANIWALA KA AGAD!" sigaw nito kay mama.
"Ikaw ba ang nagnanakaw sa kompanya ng yumao kong asawa?!" sigaw ni mama na parang nag ka clarify.
"Hindi, hindi ko ninakaw 'yun BINIGAY MO 'YUN SAAKIN WHICH MEANS IKAW ANG NAGNAKAW." sambit nito kay mama na kinagulo ni mama.
"Ikaw mismo ang nagbigay saakin noon! naalala mo 'yung pangako mo na papakasalan lang kita ibibigay mo saakin lahat?!" sagot nito sa naguguluhan na si mama.
"P-pero h-hindi 'y-yun a-ang i-ibig s-sabihin k-ko" nagkakada utal at pana'y iling na sambit ni mama dahil sa gulat.
"YUN PA RIN YUN BOBA! KUNIN MO NA ANG GAMIT MO KATHY AT AKIN, AT AALIS NA TAYO DITO!" sigaw nito sabay utos nito sa so-called-asawa nito. Nagulat ako nang biglang lumuhod si mama sa harapan nito.
"HUWAG MOKONG IWAN VICTOR MAAWA KA SAKIN, IBIBIGAY KO LAHAT SAYO PARANG AWA MO NA" nagmamaka awang sambit ni mama na kinagulat ng musmusin kong sarili. Sa lahat ng nalaman niya, nagawa niya pa ring tanggapin ang lalaking ito?!
"HINDI! AALIS KAMI DITO SA AYAW AT SA GUSTO MO!" sigaw nito kay mama na akala mo ay determinado na silang umalis.
"PARANG AWA MONA!! HANDA AKO MAGING YAYA MO AT IBIGAY LAHAT NG ARI-ARIAN KO SAYO, HUWAG MO LANG AKO IWAN!!!" desperadang sambit ni mama na kinatigil ng aking step father, halatang hayok sa pera.
"Total mapilit ka, sige. Kathy baby huwag ka nalang mag impake mag i stay tayo dito" sambit nito na kunwari ginawa niya lang magstay dahil pinilit siya.
"Salamat honey!" sambit ni mama at akmang yayakapin niya ito, nang pinigilan siya ni Kathy the higad na kabet.
"Oppsss! No touching, sige yes to calling sign nalang pagbibigyan kita at mag istay kami dito pero kami yung mag asawa ah!hindi kayo, masyado kang illusyunadang hakluban" sambit nito kay mama akmang mag poprotesta si mama ng biglang may sinabit ulit ito.
"Kung ayaw mong umalis si Victor, makinig ka sakin!" demanding na sabi nito. Pumayag nalang si mama basta ay manatili lamang ang kaniyang asawa.