AYA AKARI IKIGAI POINT OF VIEW
Lumipas nang ilang taon ang aming pagdudusa sa kamay nung bruhildang haliparot na si Kathy 'yung asawa ni so-called-stepfather ko pero tinitiis ni mama, kahit ako'y napagbubuntungan nang galit nung bruhildang 'yun lagi lamang sinasabi ni mama saakin ang 'hayaan mo nalang, tiisin mo nalang muna'.
Grabing pang-aalila ginagawa samin, lalo na saakin may galit saakin si Kathy haliparot dahil ako ay nagdadalaga na at baka daw landiin ko ang kaniyang 'ASAWA' kaya lahat gagawin niya para daw 'mas lalo akong pumangit' na hindi niya magawa-gawa kaya tuwing andiyaan ang aking stepfather pinapalayo niya ako at inuutusan lagi o kinukulong sa aming stockroom. Bat ba kami ang nagpapakaalila? kami 'yung may-ari ng bahay oh! sa papa ko 'tong bahay na 'to! pero bat parang ako pa 'yung nagiging katulong!
Sabihin na nating mahal siya ni mama, kaya kakayanin ni mama lahat pero pano naman ako? hindi niya ba ako naisip? hindi niya ba naisip na nahihirapan na 'yung ANAK NIYA? o inisip niya pa ba akong anak? masyado niya ng pinapaburan ang pangalawa niyang asawa. Pinapabayaan niya nangalang binabastos ang mga natitirang memorya ni papa, hindi niya ba naisip na ni minsan kahit isang mahinang sampal hindi magawa ni papa sakaniya? minahal siya sobra ni papa!
'Yung kompanyang pinaghirapan ni papa, hinayaan niya lang nakawan and worst pinapatira niya pa ang nagnakaw kasama ang kabet nito! 'Yung pamamahay ni papa, hinahayaan niya lang maghari-harian 'yung iba. 'Yung ako 'yung naiiwang anak na sana ay magiging prinsesa sa pamamahay ni papa pero parang ako pa 'yung katulong! HINDI KO NA KAYA PA MAGTIIS. Bumaba ako para sana kausapin si mama na magrereport ako about abusing, adultery and theft nang may narinig akong nag aaway.
"Victor palayasin mo na si Kathy!" rinig kong sigaw ni mama
"Hindi nga pwede! asawa ko si Kathy! Kung lalayas siya ako rin!" pananakot nito kay mama pero hindi nagpatinag si mama.
"Papalayasin mo si Kathy o kakasuhan ko kayo? Paglumayas siya at kasama ka, I swear kayong dalawa makukulong! Kung lalayas siya nang hindi ka kasama, at mananatili ka dito at handa akong silbihan ka. Maging ligtas ka sa mga police at mapapasayo lahat ng ari-arian ko." sambit ni mama at dahil nga hayok sa pera ang aking so-called-stepfather, alam na alam kong papayag siya sa kondisyon ni mama.
Napangiti nalang ako ng mapait, ano pabang aasahan ko kay mama? mas mahal niya talaga ang kaniyang pangalawang asawa kaysa saakin e. Pinapangako ko simula ngayong araw na ito, sarili ko nalang ang iisipin ko. Masyadong mahaba na ang aking pasensya at pag-intindi kay mama para sa minamahal nito. Umalis na si Kathy kahit ayaw nito, ay wala siyang magagawa kaysa naman ipapakulong siya diba? pero kahit ganun nagkikita pa rin sila, alam ni mama 'yun pero hindi niya mapigilan ang asawa niya. Hinahayaan ko nalamang sila.
Simula noon wala nang bruhildang Kathy ang mambubulahaw at nang aabuso saakin, syempre masaya naako total masaya naman si mama, edi dapat ako rin.
Lumipas ang isang taon at ako ay 16 anyos na, narinig kong nag-aaway nanaman sila ni Victor habang pababa ako para pumasok sa skwelahan.
"AMININ MO ASTRID IKAW ANG NAGPAPATAY KAY KATHY NO?!!!" sigaw nito kay mama sabay sampal.
"OO! PURO KANALANG KATHY!!! NANDITO KANGA PERO PURO KA KATHY!! EDI PINAPATAY KO NALANG PARA AKO NANAMAN!" sigaw ni mama sabay hawak sa sinampal ng kaniyang asawa, bagama't alam na ni Victor ang sagot nagulat pa rin ito at bigla sinampal ulit nitong sinampal si mama. Kahit ako ay nagulat saaking nalaman. Nagawa ni mamang pumatay dahil lang sa lalaking 'yun? ganun niya ba ito kamahal?!
"WALANGHIYA KA!!! IPAPAKULONG KITA!!!" sigaw nito kay mama at sinampal nanaman.
"SIGE! PERO TAYONG DALAWA PA RIN MAGSASAMA SA KULUNGAN, NANATILI KALANG DITO PERO KINALIMUTAN MUNA ANG PAGNAKAKAW MO?!!!" sigaw ni mama kahit nanakit na ang kaniyang magkabilaang pisngi dahil sa sampal ni Victor. Napatigil si Victor sa sinambit ni mama, parang na realisa niya na may kasalangan nga pa pala siya.
"LALAYAS AKO!" sambit nito at akmang aalis na para sana siguro kunin ang kaniyang kagamitan ay pinigilan siya ni mama.
"SUBUKAN MONG ILABAS KAHIT ISANG PAA MO SA PAMAMAHAY NA ITO, PAPAKULONG KITA KAHIT SAAN KAMANG SULOK NG IMPYERNO HAHAHAHA!" sambit ni mama na parang sinasapian? hindi kona kilala si mama, siya paba ito? hindi ko kinaya ang aking narinig kaya ako ay umakyat at dinadigest ang mga narinig ko kanina.
Hindi nga lumayas si Victor ngunit pinapahirapan niya naman si mama at binubugbog, hinahayaan ko nalang sila at bumalik sa aking kagawian na parang hindi sila nag i exist sa daily lives ko. Nasanay nakong tuwing umuuwi ako ay may pasa at sugat na ginagamot si mama, hindi saakin o sa iba kundi sakaniya.
Grumaduate ako ng high school at valedictorian ako, pero walang mama na kasabay kong naglakad sa stage habang kinukuha ko ang diploma ko ni kahit sana ay umattend nalang siya pero hindi niya pa ginawa. Nakakainggit nga 'yung mga classmate kong wala ngang latin honors pero andiyaan naman ang kanilang pamilya sinusupportahan sila at kasabay nilang mag celebrate. Wala akong naging kaibigan noong highschool life ko dahil ako ay loner, ayokong may maka alam pa kung gaano ka gulo ang pamilya ko kahit may nag aapproached saakin ay hindi ko masyadong pinapansin.
Lumipas ang ilang buwan at kailangan ko nanamang mag decide kung saan ako mag ka college, kumuha ako ng scholarship sa lahat ng sikat na paaralan dahil hindi ko kayang bayaran ang mga tuition fee ko.