CHAPTER 8

15 2 0
                                    


Hindi naging matagal ang byahe namin papunta sa bahay, at gaya noong una nya akong ihatid though naglalakad lang kami nun, hindi ko sya pinatigil sa harap mismo ng bahay. Bago pa ako lumabas ay nagsalita ako.

"Salamat sa paghatid," sabi ko ng hindi nakatingin sakanya. Ewan ko ba may parte sa akin na ayaw munang makipagusap sakanya. Kanina lang sya habang nasa byahe nag attempt na kausapin ako pero palagi ko lang syang binigyan ng maikling sagot.

"You're welcome," casual na sagot nya. Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Hindi naman sya sumunod na lumabas rin kaya naglakad na ako paalis. Pagpasok ko sa lumang gate namin ay saka lang sya nagmaneho paalis.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko ang kapatid kong si Rena sa sala at may ginagawa. Assignment? Ki first day of school my assignment na agad? Tila nakaramdaman sya ng presensya kaya't tumigil sya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Nang makitang ako iyon ay sumigla ang mukha nya. Agad syang tumayo at lumapit sa akin at nagmano.

"Kumain kana?" tanong ko.

"Hindi pa ate nagluto pa si kuya Rod," umiiling nyang sagot. Napataas naman ang kilay ko, bakit si Rod ang nagluto?

"Asan sila mama?" napansin ko rin kasing tahimik ang bahay.

"Kakaalis lang," sabi nya na para bang normal na bagay nalang sakanya ang pag-alis ng magulang namin. Huminga ako ng malalim. Ano pabang aasahan ko?

Matapos naming mag usap ni Rena ay pumunta ako sa kusina, naabotan ko doon si Rod na may niluto.

"Anong niluto mo?" nakuha ko ang atensyon nya at lumingon sa akin.

"Naka uwi kana pala ate," sabi nya. I tsked.

"Diba obvious?" sarkastiko kong sabi.

"Hindi," aba't sumasagot.

"Ano ngang niluto mo?" pagtatanong ko ulit habang naglalakad palapit sa kanya para makita kong anong niluto nya.

"Hehe itlog," sabi nya at lumawak ang ngiti. Akala ko pa naman kung anong niluto. Nawala ang ngiti nya ng makitang seryoso ako.

Hindi ko pa sya natanong kung anong dahilan kung bakit sya napaaway doon sa cafeteria kanina.

"Bakit ka napa away kanina?" seryoso kong tanong. Bumuntong hinga sya tila ba walang choice bago sya nagsalita.

"Hindi ko naman kasalanan ate, may pinagtripan kasi silang babae kanina at saktong dumaan ako, sinubukan ko silang pigilan, akala ko titigil na sila at ayun bigla akong sinugod sa cafeteria," mahabang litaniya nya. Umiiling-iling ako.

"Sa susunod ikaw na ang umiwas sakanila. Kung gusto mong makatapos ng pagaaral. Umiwas ka sa gulo," bilin ko sakanya. Dapat nya yang sundin dahil kahit sa cafeteria lang ako gagawa ako ng paraan masubay-bayan lang yan.

"Oo na hindi na mauulit," pagsukong sabi nya. Pagkatapos ay umalisa na ako sa kusina at pumunta sa kwarto para magbihis.

Hindi matagal at nagtawag na si Rod para kumain ng hapunan. Kaming tatlo lang ang kumain dahil wala nga sila mama. Tanong ako ng tanong tungkol sa naging araw nila at nagpapasalamat ako ng malamang naging maganda naman ang kay Rena. Ito lang talagang si Rod ang problema dahil may naka-away na agad sya. Natapos na ang pagkain namin, ako ang naghugas ng mga pinggan. Hindi naman ako nagtagal dahil kaming tatlo lang naman ang kumain.

"Asan ang mga uniform nyo," tanong ko sakanila. Nasa sala sila at may kanya-kanyang ginagawa.

"Nasa labahan ate," sagot ni Rena. Hindi na ako nagsalita at pumunta sa kwarto at kinuha ang uniform nilang nasa labahan. Lalabhan ko to para masuot nila sa susunod na araw. Dalawang pares ng uniform lang ang meron sila at lalabhan nalang kada gabi upang magamit nila sa susunod.

Your beauty beyond the Sunset [COMPLETED]Where stories live. Discover now