CHAPTER TWO

102 1 1
                                    

 

 

"HINIHINTAY mo siya, 'no?"

Naalis ang tingin ni Carla sa entrance ng club nang may magsalita mula sa kanyang likuran. Ang nakangising mukha ni Sarah ang kanyang nakita. Nasa kitchen sila para kunin ang mga order ng customers. "Hindi ko hinihintay si Keith."

Hindi naalis ang pagkakangisi ng babae. "Masyado ka ng nagpaghahalata, girl. Wala naman akong sinabing siya ang hinihintay mo." Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa mga customer dala ang tray.

Pakiramdam ni Carla ay namula ang kanyang mukha. Mahina niyang tinapik ang magkabilang pisngi at mas minabuting abalahin ang sarili sa trabaho sa halip na isipin si Keith. Tatlong araw na mula noong huling beses itong nagpunta sa club. Hindi dapat siya magpaapekto kung hindi man magpunta roon ang lalaki. Pero kahit anong pagpipigil ang kanyang gawin, lagi pa rin siyang sumusulyap sa entrance, umaasa na kahit paano ay makikita si Keith. Pero hanggang sa magsara ang Angels Wings ay hindi niya nakita ni anino ng lalaki.

Kalalabas lang nila ng Angels Wings nang maramdaman ang marahang pagsiko ni Sarah. "Girl, nandito ang Prince Charming mo."

Sinundan ni Carla ang tingin ni Sarah. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita si Keith sa parking lot. He looked sinfully gorgeous under the moonlight, leaning on the side of his car.  Pinigilan niya ang sarili na lapitan ang lalaki. Pero hindi niya alam kung ano ang mayroon kay Keith at lagi na lang niyang nakikita ang sarili na nakakalimutan ang mga pagpipigil na ginagawa. Pero hindi pa man nakakadalawang hakbang ay nilampasan si Carla ng isang bulto na nagmamadaling lumapit kay Keith.

Nakaramdam siya ng lungkot nang makitang si Kristine ang lumapit kay Keith.

"Atribida talaga ang babaeng 'yon," nakasimangot na sabi ni Sarah habang nakatingin kina Keith at Kristine.

"Malay natin, siya talaga ang hinihintay ni Mr. dela Vega," ani Carla, napabuga na lang ng hangin bago naglakad palayo.

Hanggang sa maghiwalay sila ni Sarah ay malalim pa rin ang iniisip ni Carla. Kailangan na niyang alisin sa isipan si Keith dahil nagsisimula na nitong guluhin ang kanyang sistema. Napapitlag siya nang makarinig ng sunud-sunod na busina. Paglingon ay awtomatiko niyang naiharang ang palad sa mga mata nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa headlights ng paparating na sasakyan. Napanganga siya nang bumaba mula sa sasakyan si Keith. Paano nito nalaman kung nasaan siya? Sinubukan niyang iwasan ang lalaki pero mahigpit na nitong napigilan ang kanyang braso.

"Ano'ng kailangan mo sa akin, Mr. dela Vega?" Hindi niya napigilan ang inis sa tinig.

"You."

"A-ano?"

Nagkibit-balikat ito. "Didn't you ask me what I want? And my answer is you. I want you."

Bakit mukhang ibang tao ang kaharap ngayon ni Carla? Sinubukan niyang ipiksi ang brasong hawak ni Keith. Pero parang bakal ang kamay nito dahil hindi siya makawala. "Nababaliw ka na ba? Bitawan mo nga ako."

Hindi siya pinakinggan ng lalaki. "Ilang araw na akong hindi makatulog sa kakaisip sa 'yo. Akala ko maaalis ka sa isip ko kapag hindi kita nakita, pero nagkamali ako. Maybe after one night I can get you out of my mind."

Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa mga sinabi ng lalaki. "At paano ka naman nakakasiguro na papayag ako sa gusto mong mangyari? Hindi por que ilang beses mo akong tinulungan, puwede mo nang gawin ang gusto mo." Pero bigla siyang natakot nang tumalim ang mga mata nito.

KEITH, THE HEART THIEF (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon