Hindi pa end of the world, uy!

10 2 0
                                    

Ate, ngawa ka ng ngawa. Makaawa ka ng makaawa. E di wow! Nganga!

Kung ang lalake, iniwan ka. Okay lang na umiyak, okay lang masaktan. Pero ang hindi okay ay yung magpakababa ka.

Lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang nagkulang.

Pero kung may pagkakamali ka naman, ayos lang na kausapin mo sya, okay lang na humingi ng kapatawaran at paumanhin. Okay lang na humingi ng pangalawang pagkakataon.

Pero may alamin mo ang iyong limitasyon. Lalo pa't sya ang nang-iwan at ikaw ang naiwan.

Pero kung linoko ka nya at agad kang ipinagpalit, ibang usapan na yun.

Ang gawin mo, kumain ka, maggym ka hang-out with your friends, meet new people, make yourself busy, entertain other guys (pero wag sobrahan), at higit sa lahat magpaganda ka!

Hayaan mo syang manghinayang. Pero pag yan nagsisi, wag ka nang magpaloko ulit. Wag ka nang maniwala sa mga mabubulaklak na salita. Okay?

Yun lang! :-D

I feel youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon