Bulaklak at ang babae

47 0 0
                                    

Ang babae, gustong gusto nilang binibigyan ng bulaklak.

Kahit isang rose lang, swear maaappreciate nya.

Kahit pa gaano sya kabargas kumilos. Kahit pa mukha syang mas maton sa'yo.

Babae parin yan.

Kahit pa gaano sya ka-practical at sabihing bigyan mo na lang sya ng bigas.

Kahit sabihin nyang ayaw nya sa mga bulaklak o di sya mahilig.

Kahit pa may allergy yan sa mga bulaklak.

Plus pogi points parin ang flowers.

Sweet kasi yun. Ika nga nila, it's the thought that counts.

Kaya boys 'wag nyong sabihin na "a, ayaw nya ng bulaklak, may allergy yun." O kaya naman, "a mas gusto nya kung pagkain na lang kesa bulaklak, practical yun e."

Wag ganun.

Kung gusto mo talaga syang pangitiin, bilhan mo sya ng bulaklak. Kahit isang red rose lang, o kahit pa santan, gumamela, yellow bell, calachuchi.

Okay lang. Maaappreciate nya. Promise, try nyo. Gwagwapo kayo ng sampong paligo sa paningin nya ;-)

I feel youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon