#01

19 1 0
                                    

3 years passed


Simula na nakita ng grupo ni Luke ang grupo ni Serene Hindi na ito nakita.


Ano bang nangyari?


"Argh! Elle, nasaan yung magazine ko?" tanong ni Serene. Habang hinahalungkat ang kanyang walk-in closet. Kumunot ang noo ni Elle dahil sa bintang ng kanyang kaibigan.


" Anong magazine? Marami tayong magazines? Yung binabasa mo ba kagabi?" sabay-sabay ang tanong ni Elle habang hinihimas ang batok nito.


"Oo." maikling sagot ni Serene .


"Aba malay ko, burara ka kasi, gaga. "


"Anong sabi mo?" napatigil si Serene at tinignan ang kaibigan.


"Wala." tapos umalis na ito para pumunta sa Sala. Kaya bumalik na si Serene sa paghahanap ng magazine nito.


"Tsk. Elle, ano nanaman ang problema ni Serene?" salubong ni Ericka sa kaibigan nito.


"Magazi-.." hindi natuloy ang sasabihin ni Elle ng bigla may sumigaw. 


"WAHHHHH! WHERE ARE YOU MAGAZINE? HUHUHU....." hagulgol ni Serene.


Tumingin si Ericka kay Elle at alam na niya.


"Oh. Magazine." pag-katapos sabihin ni Ericka, umalis na ito para pumasok sa kwarto nito. Nangtuluyan na nakapasok si Elle, nakita niya si Karen na busy sa kanyang Laptop. At busy sa kakatype. Hindi nalang ito pinansin dahil busy ito. Bigla bumaba si Serene, at nakabusangot ito.


"Karen, kinuha mo nanaman ba ang magazine ko?" alburoto nito. Nawala ang tingin ni Karen sa kanyang laptop at bumaling ito kay Serene.


"Magazine? What magazine? Yung 5SOS?" sunod-sunod ang tanong nito. Tumango si Serene.


Bigla nanglaki ang mata ni Karen.


"Oh-oh." sabi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

B.G.H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon