INTRODUCTION

26 2 0
                                    

"I'm fvcking bored. Ano bang pinunta natin dito?" paga-angal ni Calum.


"We're here to relax." naiiritang sagot ni Ashton.


"Or maybe we're here to hunt?" sabi naman ni Michael.


Hunt? Anong ibig sabihin ng hunt niya? Nasa park lang naman sila at nakaupo sa bench ah, then hunt?


Nangiti ng nakakabaliw si Michael. Ayan nanaman ang ngiti niyang nakaka-loko.


"Wala tayo sa gubat, wag kang pauso." sabi naman ni Luke kay Michael.


S A R C A S M.


Napawi ang ngiti nito dahil sa sinabi ni Luke.


"Girls." pagli-linaw ni Calum.


Kumunot naman ang noo ni Ashton habang nag-apir ang dalawa.


"Finally you go it. You stupid Hemmings." mapagbirong sabi ni Michael at tinignan ng kunyaring masama si Luke at tumawa.


"Oh, shit. Ayun oh!" malinaw ang mga mata ni Calum pagdating sa pagha-hanap ng mga babae, pero katuwaan lang naman nila iyon, at di naman sineseryoso.


Sakto ang mga babae. Apat sila at halatang papasa sa taste ng apat.


Papunta sila sa harap nila Luke, Michael, Calum at Ashton na nakaupo sa isa sa mga bench sa park.


Natigil sa pagse-cellphone si Luke ng makita ang apat na mga babae na nagtatawanan. Nakuha ng isa sa mga babae ang atensyon ni Luke. Kumislap ang mga mata nito, pero hindi pinahalata sa mga kaibigan na tinititigan niya ang isa sa mga ito. Habang ang tatlo naman ay namimili na ng mga nagustuhan nila.


May parang naramdaman na weird si Luke sa katawan habang tinitititgan ang isa sa mga babae na papalagpas na sa kanila. Ni hindi nga siya napansin nito.


Hindi niya na lang ito pinansin, at ibinalik ang atensyon sa kanyang cellphone.

B.G.H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon