"Veronica? Veronicaaa? Halika na apo, aalis na tayo." Pag tawag sa akin ni Lola. Pero nanatili pa rin akong nakatayo habang pinagmamasdan ang bahay namin.
"I know it's very hard for you to go through all of this, Veronica, you're only 12. But we have to move on Veronica, you have to continue your life." Sabi ni Lola at niyakap ako.
Di ko maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin. Di ko maiwasang magalit kung bakit ipinanganak pa ako sa mundong to kung magiging ganito lang din ang lahat.
Dumating na kami sa bahay ni Lola. May kalakihan ang kanyang bahay. Ilang beses na rin ako nakapunta rito. Pero bakit ang daming tao? May ibang nakaharap sa amin pero karamihan ay nakatalikod.
"Lola?" Pag tawag ko sa kanya.
"Bakit apo?" Nakangiti siya pero parang may nababasa ako sa mga mata niya.
"Sino sila? May handaan po ba?" Nagulat siya sa sinabi ko at parang nagmamadaling inakay ako papasok ng bahay habang tumitingin sa likuran.
Pinapasok niya ako agad pagdating namin sa harap ng kanyang kwarto.
"Dito ka lang, apo. Wag na wag mong bubuksan ang pintuan hanggat di ko sinasabi. Naiintindihan mo ba apo?"
"Opo" sagot ko kahit parang naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Humiga lang ako sa kama at natulog. Naalimpungatan lang ako nang may marinig akong tumatawag sa akin.
"Veronica? Veronica? Buksan mo to, ang Lola mo ito apo." Si Lola, boses yun ni Lola. Kaya dali-dali kong binuksan ang pinto.
Parang may kakaiba kay Lola pero di paman nagiisang minuto ay nag-iba ang kanyang anyo.
"Waaaaah, Lola tulong! Lola!" Sumisigaw na ako dahil lalong dumadami ang mga taong nakaharap sa akin ngayon. Pero tao nga ba sila? Kakaiba sila, para silang mga patay.
"Veronicaaa!" Si Lola. Pero baka di nanaman siya ang totoo kong Lola.
Lumapit ito sa akin ngunit di ako makagalaw.
"Veronica, wag kang matakot, ako ito, ang Lola mo." Niyakap niya ako at nagsimula siyang magsalita ng kakaiba. Di ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Patawarin mo ako apo ngunit kailangan ko tong gawin." Yun lang at ipinagpatuloy na niya ang pag bigkas ng mga salitang kakaiba.
"Ipikit mo ang mga mata mo apo." Sinunod ko siya at parang bigla na lamang akong nakaramdam ng antok.
"Panandalian lamang ito. Pakatatagan mo ang iyong loob. Lahat sila'y mapanlinlang." Yun lang ang narinig ko at tuluyan nang nakatulog.
BINABASA MO ANG
MATA
HorrorHindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Maraming nagpapanggap, maraming nanlilinlang makuha lamang muli ang bagay na minimithi.