Pinagmamasdan ko si Veronica habang siya'y mahimbing na natutulog. Bukas pag gising niya, di na niya maaalala ang mga nangyari sa kanya nuon.
Di ko inasahan na matutulad siya sa akin. Bata pa lang ako, marami ng nagpapakita sa akin, mga kaluluwang naliligaw, naghihiganti, di natatahimik at mga kaluluwang tuso.
Maraming beses akong gamuntik ng mamatay nang dahil sa kanilang masasamang intensyon. Mabuti na lamang at kasama ko ang mama ko na siyang tumulong sa aking labanan ang mga nilalang na di pangkaraniwan.
Katulad ko, ang mama ay ganun. Lahat ng dapat kong malaman tungkol sa abilidad na meron kami ay itinuro niya sa akin. Kaya naman ng mamatay siya ay nakayanan ko namang mabuhay ng tahimik.
Ang akala ko'y di na nila ako guguluhin pa pero nagkamali ako. Hindi ordinaryong trahedya lang ang nangyari sa pamilya ni Lani, siya yung nag iisa kong anak.
Ang sabi ng mga nag imbestiga sa nangyari ay namatay ang mama at papa ni Veronica sa sunog. Noong pinuntahan ko ang apo ko para kunin at kupkupin ay natiyak kong sinadya ang kanilang pagkamatay.
Nakumpirma ko ito nang maabutan ko si Veronica na nakikipag usap sa dalawang kasambahay. Malayo pa lang ako ay alam ko ng hindi na tao ang dalawang yun pero ipinagtataka ko kung bakit nakikipag-usap ang apo ko sa kanila.
Nang tumingin ang dalawang yun sa akin ay bigla na lamang dumami ang kaluluwang nandoon at lahat ay tumingin kay Veronica. Noon ko nalamang gusto nilang kunin ang apo ko.
Hindi ko yun mapapayagan kaya gumawa agad ako ng paraan upang sila'y maiwala. At nang nasiguro kong nawala na silang lahat, tinawag ko kaagad si Veronica para umalis na.
Hindi ko naman inakala na masusundan pala nila kami sa bahay ko. Pinapunta ko ang apo ko sa aking silid dahil hinding-hindi siya mapupuntahan ng mga kaluluwang ligaw doon dahil ginawan ko yun ng orasyon.
Sa ngayon, maaaring makalimutan ni Veronica ang lahat ng kanyang mga alaala, alam ko darating ang panahong babalik ang lahat upang siya'y guluhin nanaman.
Gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang ang aking nag-iisang apo.

BINABASA MO ANG
MATA
HorrorHindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Maraming nagpapanggap, maraming nanlilinlang makuha lamang muli ang bagay na minimithi.