Chapter 2

33 2 0
                                    

Fortress Street. Marshall's Coffee Shop.

Kasalukuyang hinahalo ni Katzumi ang kaniyang iced coffee gamit ang mahabang straw. She looked at her wristwatch. Dalawang minuto ang natitira bago mag-alas diyes ng umaga. Iyon ang exact meet up time nila ng bagong client niya.

Naiinip na si Katzumi. Masiyado siyang napaaga sa meet up place nila dahil katatapos lang niyang mag-jogging at naisipan niyang huwag nang umuwi sa kanilang bahay upang magpalit dahil sa kadahilanang tinamaan na naman siya ng sakit na katamaran.

Black running shorts, black fitted racerback sando, and rubber shoes is her current get up. After a while, dumating na rin yung client na imi-meet niya. She looks sophisticated and rich. Simpleng pink casual dress lamang ang suot nito na tinernuhan ng doll shoes at jewelries. Her hair is in a messy bun, she looks undeniably gorgeous. Ngunit ang pinakang-napansin ni Katzumi sa kliyente ay ang mga mata nito. Bagaman pinatungan ng light make-up ay mapapansin parin ang pamumugto nito.

'Poor lady...' naaawang iling ni Katzumi sa kaniyang isipan. Isa na namang biktima ng maling pag-ibig.

"Did I make you wait for a long time?" bungad nang babae nang makalapit sa table na kinauupuan ni Katzumi.

Katzumi welcomed her with a warm smile. "No. I had just arrived." aniya kahit na ang totoo, kanina pa siyang nakaupo sa coffee shop na 'yun at naka-two orders na siya ng kape. Ayaw niyang makonsensiya ang kliyente dahil kasalanan naman niya kung bakit naghintay siya sa lugar na 'yon ng ganun katagal in the first place.

"Good then. Akala ko medyo nalate ako." the client smiled.

"Would you like to order first before proceeding to our main objective?"

Umiling yung kliyente. "I want to start the negotiation already."

Tumango-tango si Katzumi. "Sigurado ka ba sa desisyong gagawin mo? Gusto ko munang ma-confirm na walang doubts and second thoughts when it comes to this matter. Oras at efforts ko ang nakasalalay rito. Kung sa bandang huli ay magba-back out ka dahil mahal mo parin ang ex mo ay sa ngayon palang, sabihin mo na. We can cancel it now if you're still uncertain about your decision." diretsang pahayag niya sa kliyente. Naninigurado na siya ngayon bago simulan ang kaniyang trabaho. Because of her experiences from her past clients, mas naging strikto siya pagdating sa mga demands na gusto niya.

Ayaw niyang nabubulilyaso ang kaniyang mga plano dahil sa karupukan ng kaniyang kliyente. Imagine getting revenge from someone tapos maaawa bigla yung client na nagbayad sa serbisyo mo, in the end ikaw pa ang magmumukhang masama. She can't let the same experience happen to her again, ever.

Buo ang loob na umiling ang magandang kliyente. "No. I am 100% sure about this. I've thought through about this thoroughly. Gusto kong maghiganti sa ex-boyfriend ko at sa step-sister ko. G-gusto kong maranasan nila ang sakit na pinararanas nila sa akin ngayon. I want revenge." her tame aura got replaced with anguish and hatred. Tila may apoy na sumisiklab sa namumugtong mga mata nito.

Bahagyang napangisi si Katzumi sa natutunghayang emosyon na ipinapakita ng kaniyang kliyente. If pain got converted into hatred, the idea of a perfect love will cease to exist in her dictionary. Mas magiging matalino na ang babaeng ito pagdating sa pag-ibig. Mas magiging cautious sa mga lalaki, at mababa ang tiyansa na maranasan niyang muli ang pagdurusang pinagdaraanan niya ngayon. Pain changes people, it teaches us to guard our feelings rigidly.

"Then there won't be any problem at all. Now, tell me what happened. From the start up to the day he shattered your innocent heart..." Katzumi leaned on her chair and crossed her arms.

Nagsimula nang magkwento ang babae kay Katzumi. It is required to open up everything to your hired heartbreaker. Kailangan iyon ni Katzumi upang maintindihan ang sitwasyon at mas mabilis siyang makabuo ng gagawing plano sa paghihiganting gustong makamit ng kliyente. She will base her course of action on the situation. Kung masasagap niya pati ang kahinaan ng mga taong paghihigantihan niya ay mas mapapadali ang flow ng trabaho niya.

Mr. Heartbreaker meets Ms. Heartbreaker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon