Chapter 1

42 2 0
                                    

"Sylvia, you can't leave this house!" galit na tono ng isang lalaki mula sa tapat ng pintuan ng kanilang kwarto.

Patuloy sa pag-impake ng mga damit niya si Sylvia. Hinahagis ang mga gamit na madampot at isinuksok ang mga iyon sa loob ng kaniyang maleta.

"Hindi ko na kaya magtiis at mamuhay ng kasama ka, Arthur. You've took away my happiness from me for eight years. Gusto ko nang makawala sa pagkakakulong mula sa'yo!" buong lakas loob na pahayag ni Sylvia. Nagmamadali niyang isinara ang zipper ng kanyang maleta at hinigit iyon palabas ng kanilang silid.

Ipinagpatuloy ni Arthur ang pagpigil sa gagawing pag-alis ng kaniyang asawa. "YOU WILL NOT LEAVE SYLVIA! AKIN NA ANG MALETA MO!" pinilit nitong agawin sa asawa ang bitbit na maleta.

"Ano ba Arthur!" pagpupumiglas ni Sylvia sa asawang pilit na kinukuha ang kaniyang maleta.

"Maawa ka sa anak mo Sylvia! Maawa ka kay Zaiden. Mas pipiliin mo bang makasama ang lalaki mo kaysa sa anak mo?! Think wisely, Sylvia. Tandaan mo, isa kang ina!"

Sylvia unbelievably looked at his husband. "What kind of hypocrisy is this, Arthur? Huwag mo akong baliktarin! Isasama ko si Zaiden!" pinilit ni Sylvia na makalampas mula sa asawang nakaharang sa dadaanan niya.

Samantala, isang batang lalaki ang nagising nang dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Tila may nagsisigawan rito at dinig na dinig nito ang boses ng kaniyang mga magulang na tila nagtatalo na naman. He opened his room's door. Nadatnan niya ang mommy niya na may dala-dalang maleta, may kasama itong lalaking hindi niya kilala. Nakita niya kung paano nito itulak ang Daddy niya na tumalsik sa dingding ng kanilang kwarto.

Nawala ang antok na nararamdaman ng batang lalaki. Agad siyang tumakbo palapit sa Daddy niyang namimilipit ngayon sa sahig.

Nagsimulang humagulhol ang batang lalaki. "Daddy!" he cried and hugged his father.

"Z-zaiden anak..." Sylvia called his son. Hindi inaasahan ni Sylvia na magigising ang anak at madadatnan ang ganoong eksena. Nag-alala siya na baka kung anong pumasok sa isipan ng kaniyang unico ijo.

Galit na tiningnan ni Zaiden ang ina at ang lalaking kasama nito. "How dare you hurt my Daddy! I hate you! You made him do this to my Daddy. I hate you, Mommy!"  galit na galit na hagulhol ni Zaiden. Mas humigpit ang yakap nito sa kaniyang ama.

Napatakip ng bibig niya si Sylvia gamit ang mga palad. "N-nagkakamali ka anak..." nagsisimula nang mangilid ang kaniyang luha. Tila kutsilyong tumagos sa kaniyang dibdib ang mga katagang binitawan ng kaniyang anak. Iyon ang unang beses na sinigawan siya nito.

Sylvia tried to reach for her son but after a few steps, she stopped when her husband started talking.

"Iiwan na tayo ng Mommy mo Zaiden, ipagpapalit niya tayo sa lalaki niya. Mamili ka anak, kanino ka sasama? Sa akin o sa mommy mo?" ani ni Arthur na may ngising tagumpay. Alam niyang ang anak nila ang kahinaan ni Sylvia.

Puno ng galit na sumagot si Zaiden. "Hindi ako sasama sa'yo mommy! Bad ka! I hate you! You're a monster!" he's still crying loudly.

Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata ni Sylvia. "A-anak sumama ka kay mommy..." pangungumbinsi pa niya.

"Ikaw ang magdesisyon Sylvia. Mananatili ka ba sa poder namin ng anak mo o pipiliin mong sumama sa kabit mo?!" puno nang pagbabanta ni Arthur. Mabuti na lamang at nakuha niya ang simpatya ng kanilang anak. Ngayon ay may alas na siya laban sa asawa.

Galit na tumingin si Sylvia sa asawa. "Hindi ako nagkamali na iwan ka, Arthur. You're too manipulative. P-pati kahinaan ng anak mo ay nagawa mong gamitin laban sa akin!" tila sumisikip ang dibdib ni Sylvia dahil sa hinagpis sa asawa.

Mr. Heartbreaker meets Ms. Heartbreaker!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon