Chapter 26 - Promise

63.9K 442 19
                                    

HI GUYS

THIS BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 26 - PROMISE

" Anya look out"Sigaw ni Ace-sin nakita ko na masasagasaan ako ng isang malaking truck hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko tapos bigla kong nakita na papunta sa akin si Ace-sin pero bigla syang hinatak pabalik ni Kuya Ace at tumakbo papalapit sa akin.

Naramdaman ko pa na yakap ako ni Kuya Ace habang nagpagulong gulong kami, may narinig akong tumunog parang may tumamang kung anong bagay sa amin or sa katawan ni Kuya kaya pakiramdam ko lumipad kami ulit tapos muli kaming bumagsak sa pagkakataong ito ako ang unang bumagsak at nadaganan ako ni Kuya pero magkayap parin kami hindi nya ako binibitiwan.

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko na duguan ang ulo nya, nanginginig na rin ang katawan nya sobrang ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

"An-- Any--- ya.."

"Kuya ang dami mong dugo.." tanda ko umiiyak ako nun habang yakap nya ko

"wag kang matakot, okay, okay ako."

"Pero. . "

"Si Ace-sin , promise me Anya that you will take care of Pards don't let anything bad happen to him. .. promise me that you will never leave him."

"Opo kuya. . promise ko. . " Natatandaan ko pa syang ngumit bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Bigla akong nagising, nasa Taxi parin pala ko at na stock ako sa traffic, panaginip ba yun or memories? Umayos ako ng upo. ang tagal na nun pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat napatingin ako sa labas ng taxi at doon ko nalaman na nasa lugar pala ako kung saan nangyari ang aksidente ni Ace.

Napatingin ako sa eksaktong lugar kung nasaan kami nasagasaan noon at muli kong naalala ang napanaginipan ko kanina.

Natauhan ako, hindi yun panaginip

"Kuya dito nalang po ako." sabi ko sa driver pagkatapos ko magbayad ay agad akong lumabas, nasa harap ako ng restaurant na kinainan namin noon ng pamilya Kin.

Naglakad ulit ako dinala ako ng mga paa ko kung saan ako, kami ni Kuya Ace nasagasaan.

Sobrang linaw ng mga pangyayari sa utak ko daig ko ang nanood ng flashback sa isang big screen

Si Ace-sin , promise me Anya that you will take care of Pard don't let anything bad happen to him. .. promise me that you will never leave him.

Nagmadali akong tumakbo mga dalawa hanggang tatlong kanto nalang dito ang Bar na tambayan nila Ace-sin at dahil traffic hindi na ako sumakay pa sa mga sandaling ito isa lang ang nasa isip ko si Ace-sin, naiinis ako sa sarili ko dahil nakalimutan ko ang dahilan kung bakit gusto kong ibalik ang samahan naming dalawa at dahil yun ang naipangako ko kay Ace.

Pagdating ko sa parking ng Bar agad kong nakita si Unique at si Ace-sin.

"Unique"

"Anya? Panong. ." Walang malay si Ace-sin habang nakaalalay sa kanya si Unique.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Nalasing sya, tulungan mo ako ipapasok ko sya sa kotse."

Agad kong kinuha ang isang braso ni Ace-sin at isinampay iyon sa balikat ko, tapos dahan dahan namin syang ipinasok sa back seat ng kotse nya.

"Umuwi ka na Anya ako na ang bahala sa kanya" sabi nya bago sya pumasok sa kotse nya

"Sasama ako Unique" habol ko ko sa kanya " Gusto ko syang alagaan"

"Matapos ang ginawa nya sayo? Anya have some pride on yourself muntik ka na nyang gawan ng masama."

"Unique please, alam ko naman na hindi nya gustong gawin yun."

"How can you think that way? Anya please umuwi kana, ako na ang bahala sa kanya."

"I made a promise to Ace Unique, a promise" Hinawakan ko sya sa braso para pigilang pumasok sa kotse "That I will take care of him, that don't let anything bad happen to him"

"Anya hindi mo naiintindihan"

"And I don't mean to break that promised, kaya please hayaan mo na ko." Nakita ko syang bumuntong hininga.

"Fine get in." sapilitang sabi nya

"Thank you." sabi ko naman tapos agad akong pumasok sa kotse nya


Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon