Episode 6

46 0 0
                                    


Inaalis na kita -Ep. 6

"Joyce! Halika ka , tulungan mo kami ni Kimbert dito." sigaw ni Ate

Tinulungan ko sila paghahanda ng foods para sa Medya Noche. Nagdecorate din kame ng table ni Ate. Nang bigla ko narinig yung phone ko na tumunog.Ng sulyapan ko ito nakita ang pangalan ni Kris.

"Hello Kris" napatingin naman sakin yung dalawa kong kapatid. Si Ate ngingisi-ngisi pa oh. Halatang nang aasar.

"Joyce" may halong saya sa boses nya.

"Napatawag ka?"

"Uhm, hihingi sana ako ng favor. Pakitanong naman kina tita, kung pwede ako mag new year dyan?" Tita talaga ha? Close na pala sila ni Mommy. Pero teka, sya dito magbabagong taon? Hm, baka kailangan sya kanila noh.

"Ikaw? Dito magnew new year?"

"Oo sana. Kung pwede at kung papayagan ako ni tita."

"Ahm, tanungin ko muna si Mom-" biglang inagaw sakin ni Ate yung phone ko.

"Kris, you can celebrate new year with us. Im sure papayag si Mommy at Daddy. So, see you later?" sabi ni Ate habang natingin skin at nakangiti.

Hindi ko na alam kung anong sinagot ni Kris kay Ate, binaba narin naman ni Ate yung tawag at nagpatuloy lang kmai sa ginagawa namin. Lumipas ang ilang oras ay ntapos nadin kami sa paghahanda. Dumating narin sina Mommy at Daddy na may dalang iba ibang putahe.

Nabannggit narin sakanila ni Ate ang pagpunta ni Kris mamaya dito at walang namang silang sinabi ngunit tumayo lang ngumiti sa akin.

Mamaya ay naligo na ako at nagbihis narin hanggang sa marinig ko ang doorbell sa aming pintuan. Dali-dali akong bumaba at pinagbuksan sya.

"Happy New year" sabi ni Kris sabay yakap sakin. Humiwalay naman ako kaagad.

"Happy new year din. Ay Teka lang, bukas pa yun e." at tumawa namin kami at naglakad papasok sa sala.

Lumipas ang mga oras na nasa sala kami at kausap ni Kris sina Mommy, Daddy at pati narin si ate. Inamin nya na nililigawan nya ako. Sabi nga ni Daddy, bata pa daw kame para sa love. Pero hindi naman sya tutol pagkat na sa amin daw ang desisyon.

Tinikman narin namin ang mga handa namin na siyang nakahapag sa dining area. Kumuha ako lasagna at mango graham na syang nilantakan ko. Si Kris naman ay nawili sa Fruit salad na ginawa namin kanina.

"Anong gusto mong mangyari sa taon na to, Joyce?" sabay ngisi.

"Di ko alam e. Basta more blessings. "

"Alam anong pina kagusto ko mangayri? Ayun yung sagutin mo ako. Yung maging tayo na. ung pwede na ko na hawakan yung mga kamay mo haggat gusto ko. Yung maibuhos ko sayo lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko. Ang saya kasi mahalin ng isang tulad mo."

Medyo matagal tagal rin ang pagsasalita. At ako? Ayun, lutang sa ere. Hindi ko kase alam kung eto na ba yung tamang panahon? Sapat na ba yung 6 months para patunayan na mahal nya talaga ako at hindi hindi siya magsasawa sa ugali ko?

"Tara na. Nuod tayo countdown" yaya niya. Pansin nya sigurong di ako makasagot sa mga linyang binitawan niya.

Binuksan nga namin ang T.V. at nanuod ng countdown. Anduon ang iilang mga artista na silang naghahandog ng mga awitin at nagsasayaw sa saliw ng musika.

Nung narining namin yung Thinking out loud ay napasabay kami sa kanta.

"When your legs don't work like they used to before

Two Steps Behind :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon