Episode 7

47 0 0
                                    

Regain - Ep. 7

Marami talagang eksena sa buhay mo na yung mga ayaw mong maalala ay yun pa yung bumabalik. Isang taon na kase mula ng magdesisyon si Kris na iwan ako at umalis ng bansa.

Simula nuon ay wala kami communication at wala rin akong balita sa kanya. Hindi ko naman gusto malaman yun pero nang minsan nahagip ng tingin ko ang profile sa social media. May nakita mga pictures niya ksama ang family nya. At yung iba naman habang nagpeperform siya. May talent talaga siya.

Ahhhhhhhhhhhhhh. Ayoko na. Ayoko na maaalala pa.

"Joyce, wala ka na naman sa sarili mo. Kanina pa kita tinatawag." Si Ken, oo sya yung kasama ko ngayon. Kami kase yung laging magkasama sa mga performance task.

"Ah anjan kana pala." Kanina ko pa kasi sya hinahantay dito sa garden sabe nya bibili lang syang foods namen.

"Sensya, medyo natagalan ako haba ng pila e. Eto na oh." At inilapag niya sa lamesa yung dalawang box ng Mcdo meals.

"Thankyou,." Kumain na kami. Pagkatapos namin kumain ay niligpit kona at ako na nagtapon. Pinigila nya pa nga ako, siya nalang daw. Ngunit hindi ko na pinayagan yun. Ako naman kikilos, siya na nga pumili nh matagal para sa lunch nmin e. Ng maitapon kona ay bumalik ako ulit sa upuan at tinignan yung mga notes ko.

"Ang lungkot mo talaga e. Ano ba nangyare? May masakit ba sayo? Napagalitan ka ba? Namatay b-? "

"Ha? Sinong namatay?"

"Yung pusa mo?" Sabi nya na parang nagtataka.

"Baliw mo talaga. Wala akong pusa."

"E bakit ka nga kasi malungkot?"

"E kaso ano."

"Ano nga? Teka, si Kris patin ba dahilan ng sibangot na yan ha?" Sabi nya sabay kurot sa pisngi ko.

"Araaaay." Ang sakit nun.

"Tatawa na yan. Awiiiieh." at kiniliti nya ako hindi ko naman mapigilan mapasmile haha.

"Ang kulit mo talaga! Tama na nga" sabay palo sakanya para pahintuin sya.

"Sus. Drama queen."

"E kase one year na simula nung iwan nya ako. Naka-"

"One year na at siya para iniisip mo, one year na at di ka parin anakamove on?" Bigla nya ko pinutol at nagsalita na parang galit sya.

"Eh di naman ganun kadali mah move on e." Gusto ko na tuloy pumatak ng luha ko. Bakit paranb walang nakakaintindi saken. Napatingin siya sakin at nagbago yung tingin nya, lumapit siya sa akin at hinawakan yung dalwang balikat ko.

"Nalulungkot ka parin ba? " tumango nalang ako dahil ko alam ang isasagot ko.

"Halika." Sabi nya at hinila nya ko palabas ng garden. Nakasalubong nga namin sina Lexi at tinignan kami na paramg dudang duda sila. Oo nga pala nakahawak sa kamay ko si ken. Pero bingyan ko nalang si lex ng isang saka-na-lang-ako-maeexplain look.

"San ba tayo pupunta?" Baling ko kay Ken.

"Aalisin yung lungkot mo."

-

"Oh, kainin mo yan. Sabihin mo lang kung gusto mo pa." Sabay abot sakin nung malaking cone ng ice cream. Tapos yung skanya maliit lang. Tinitigan ko lang yung ice cream.

"Kainin mo na, nakakapagpaalis ng lungkot yan. Haha. Baka matunaw pa. " Sinimulan ko na tikman yung bigay nya pero hindi parin ako nagsasalita. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain dun sa ice cream masarap kase e. Tahimik lang kmi kumakain ng bigla siyang nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Steps Behind :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon