Chapter 1

0 0 0
                                    

Halos paulit ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko. Kagaya ngayon, online class na naman. Since, pandemic came, bawal lumabas at new mode of learning ang ganap ngayon. But i think, I'm lucky when this pandemic came. Hindi ko sinasabi na masaya na merong pandemya na kumakalat dahil pumatay na rin ito ng halos milyong milyong tao. But it's just for me.

Dahil isa akong introvert. And i don't want people see me with this ugly witch face. Buti na nga lang sa online class, hindi naman namimilit na ipa-open cam. Kaso nga lang may ibang teachers na talagang mapilit, ang ginagawa ko na lang ay minsan nagsusuot ako ng facemask at magkukunwaring nasa isang tindahan, nagbabantay kunwari. Or nasa labas. O 'di kaya minsan, sinasabi ko na sira ang web cam ko or minsan sinasabi ko na mahina ang signal ko.

Lahat na ng mga palusot ay nasabi ko na ata. 'Wag lang nila makita ang mukha ko. Ang kulot kong buhok na palaging nagtitikwasan, ang maliit at singkit kong mga mata, ang maliit kong ilong, ang makapal kong labi at ang bilugan kong mukha.

Baka mawalan sila ng gana magklase kapag nakita ang mukha ko.

Maraming nagsasabi noong face to face pa na maganda raw ako. Pero hindi ko naman nakikita sa sarili ko 'yon. Mukha akong witch. Matagal ko na ngang hindi nililinis ang salamin ko e. Para saan pa.

Ngunit kahit na hindi ako maganda, i always keep myself clean para naman kahit papaano ay may maayos naman sa'kin.

"Okay, class. That's all for today. Don't forget to look presentable in video that you will be doing. Okay? Next week ang deadline. Kindly pass your video to your class president. Icocompile kasi 'yon. And also, i have a good news to you all tomorrow. That's it. Have a nice day!"

I hate this! Ito ang pinaka ayaw kong activity na pinapagawa ng mga teachers namin. Ang video. Ayokong humarap sa camera. Ang laki ng mukha ko doon e.

Senior high na ako. Grade 11 to be exact. Humanities and Social Science (HUMSS) ang strand ko. More on essays and research ang ginagawa namin ngayong first semester. Pero okay lang kasi bihira naman sa'min ang magpagroup activity.

Humiga ako sa kama ko at tumulala lang. Naiisip ko lang na what does it feel to have a friend na you can talk to after class? Wala ako non e. And I don't know how to socialize. Kasi last time na sinubukan kong makipagsocialize through social media, i got ignored.

Bumaba na ako to have my lunch. As usual, nakahiga ang kapatid kong babae. Dalawa lang kaming magkapatid. Si daddy naman wala dito kasi may sarili na siyang buhay. Si mama, iyon nasa work. She works in a company of furniture as a HR. Kaya hindi na rin kami nanghihingi kay daddy. At ayoko rin naman.

Itong kapatid ko si Caryll ay kabaliktaran ko. She's a social butterfly. Maganda rin at maraming friends, popular. Close kami n'yan kaso kapag lumalabas lang ako ng kwarto.

May isa pa kaming kasama dito sa bahay. Si ate Emy. Matagal na namin siyang katulong dito sa bahay kaya family na rin ang turing namin.

After lunch ay tumaas na ulit ako sa kwarto para gawin na ang ibang activities ko. Pero naisip kong gawin muna ang video para tapos na ang paghihirap.

About lang naman 'yon sa opinion namin regarding covid vaccines. Kaso lang 2 minutes video kailangan so maraming sasabihin. And the more i talk, gosh. Ang tagal ko sa camera.

I started to make myself look more presentable as our teacher said kanina. I don't know how to look presentable with this face.

After an hour, natapos din ako sa pag aayos sa sarili ko. Damit ko lang naman ang inayos ko and nagsuklay lang.

Nagsimula na akong magrecord. It took so long bago ako matapos. Almost 20 takes ata 'yon e.

Nang ipapasa ko na ay naisip ko na wala nga pala akong alam kung sinong class president namin. Malay ko ba. I don't even know my classmates. Isa lang naman akong tahimik na estudyante sa gigilid.

For your eyes onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon