Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko siya. Kahapon pa 'yon pero hindi pa rin talaga nagpaprocess nang maayos sa utak ko.
Bakit doon pa? And bakit sa gano'ng pagkakataon pa? Kung kailan hindi ako balot na balot tsaka ko naman siya nakita. Nakakainis.
Naalala ko pa rin paano ako tumakbo patapos niya akong kausapin.
"Ay!"
"Ouch!"
M-may nabunggo a-ako.
Nakayuko pa rin ako habang nanghihingi ng sorry.
"S-sorry po" sabi ko.
Naglaglagan pala ang mga snacks ng kinuha ko.
"It's okay. Next time be careful. Sorry rin." He said.
Lalaki pala.
He helped me pick up my snacks.
"T-thank you. And sorry ulit." Sabi ko and i try to look at him.
Pero ang laking gulat ko nang tinignan ko na siya. At nakita ko rin na lumaki nang bahagya ang mga mata niya.
"Dalee?" Tawag niya sa akin.
"H-hi..W-winston," kinakabahan ako at parang nahihilo hilo pa ako.
"How are you?"tanong niya na parang sabik siyang makita ako.
"O-okay lang. B-bye." Sabi ko sabay takbo.
Iyon lang ang nangyari nung araw na 'yon. Pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kaba ko. Nililibang ko na lamang ang sarili ko para hindi ko na siya maalala pa.
Habang nanonood ako ng movie ay biglang may nagmessage sa'kin.
Winston Rivera sent you a message
Oh
My
G
What? Bakit?
I opened it agad dahil curious na ako.
Winston Rivera:
Hi, Dalee! About what happened yesterday. Sorry.
Doon siya nagsorry pero 'yung nangyari years ago, hindi man lang ako nakarinig ng sorry. Malditahan ko kaya siya. Since ito na 'yung chance para makaganti naman ako sa kaniya.
Dalee Ranaya Marquez:
It's okay. Next mas mag ingat ka, nakakasakit ka kasi.
Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ko sinend ko iyon.
Winston Rivera:
Dalee? Kaya siguro kita nakita kahapon is because i need to apologize to you for ehat happened before.
Teka, bakit...ganyan siya. No, Dalee. No no no
Dalee Ranaya Marquez:
Alin? Wala akong maalala
Deny ko muna.
Winston Rivera:
Because of me, you got bullied and i know that cause your trauma, right? I'm really sorry. Dati pa lang, i wanna say sorry to you but i had no chance. Pero ngayon, buti nakita kita. Kahapon sana, kaso natakot ka ata sa'kin. I'm different now, hindi na ako 'yung Winston na nangbully sa'yo noon. And i am really sorry dahil nabully ka ng mga students sa school dati dahil sa'kin.
BINABASA MO ANG
For your eyes only
Teen FictionSi Dalee ay isang babae na mababa ang self confidence. Ang tingin niya sa sarili niya ay mas mababa pa sa paningin ng isang langgam. Naging pangit na lahat ng tingin niya sa sarili niya simula nang ipahiya siya ng taong gusto niya noong siya ay umam...