NICKEL ISIDORA HALE
ANG SABI nila, there's always three sides of the story; sa kriminal, sa biktima, at sa mga taong nakakita.
Isa ako sa kanila at hindi ko alam kung kanino na ako papanig nang malaman ko ang buong katotohanan mula sa kaibigan ni Sinister.
Sa isang dekada naming pagtatago mula sa mga Dark Knights ay hindi kami naghiwalay Kuya Josse. Dahil kami na lang naman ang natira sa kadahilanang kinuha nila ang aming mga magulang at hindi rin namin mahagilap pa ang nakatatanda naming kapatid.
At habang nakikipaghabulan kami kay Kamatayan, napunta na lang kami sa isang liblib na lugar, magubat at puno ng kadiliman ang paligid at hindi mo mahahalatang nag-e-exist pala.
"Gosh! Thank the God they're breathing, Mila!" Saad ng isang babae na matinis ang boses.
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil nawalan na kami ng lakas para imulat pa ang mga mata namin pero alalang-alala ko pa ang boses ng dalawang babae na tumulong sa amin para makaligtas kami sa kalaban.
Naramdaman ko pang may naglagay ng kumot sa katawan namin na siyang kinuwestiyon ko.
"Ate Turiel, 'wag kang maingay. Naririnig nila tayo." Giit nito. Malumanay siya kung magsalita at parang nahihirapan pa. Sa tingin ko, hindi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao.
Nang araw na iyon, naging miyembro kami ng Elchemist's Top Rank Assasin. Iyon lang ang panlabas na pangalan namin pero ang totoo niyon ay hinahanap namin ang mga miyembro ng Dark Knights na gusto kaming ubusin at dahil naging matunog ang pangalan namin ay kinuha na rin kami ng malalakimg kompanya pati na rin ang ibang opesyales ng Gobyerno.
Kaya bakit ko iyon makakalimutan? Na ang taong nagligtas sa amin mula sa kapahamakan ay hindi namin mahanap matapos ang engkwento sa realm nila na dapat ay tirahan rin naming kambal? Na kahit nakalimutan niya kaming naging kaibigan niya bukod kay Turiel ay nandito pa rin kami at binabantayan pa siya mula sa malayo?
Sa sobrang kainisan ay nilusob ko ang village ng isa sa House of Leo at pinatikim kung paano pahirapan ang isang taong kagaya ni Milasanthra pero pinigilan ako ng isang boses na nahimigan ko mula sa malayo.
"Ang dapat na pinaparusahan ay ang mga may sala, Nickel. Hindi ang mga inosenteng kagaya nila." Ang boses na iyon ang laging pumapasok sa isip ko nang makapatay ako ng inosenteng tao katulad ng ginagawa ko ngayon.
Ngunit paano, Milsanthra?
Alam ko, may kakayahan kaming magparusa dahil anak kami ng isa sa Celestial Guardian na hindi rin mahagilap. Kami ang nawawalang punisher ng Zoidon pero kami rin ang nagsimulang mag-rebelde sa katotohanang naapektuhan kami ng pagkawala ng anak ni Miss Verana.
Sino ang kailangang parusahan, Milasanthra?
Sino ang dapat paniwalaan?
BINABASA MO ANG
Haunted by the Truth
FantasyZodiac Saga 2 If Milasanthra dies, Titanium and Nickel's life is nothing. It's as if they're living but their soul was with the white-eyed lady and as lifeless as her. Because of it, they felt the rage inside their hearts that no one can control, th...