CHAPTER 1

12 4 1
                                    

Biglang nagising si Valentine dahil sa kakaibang panaginip.Sino yun? Anang sa sarili, sapagkat may isang binatilyo na sumulpot sa kanyang panaginip na nagsasabi sa kanya na tuparin niya ang kanyang pangako.

Umiling na lamang Siya at bumangon, binuksan nya Ang binta ng kanyang silid at dinama Ang sariwang ihip ng hanging.

Nakaramdam siya ng ginhawa pagkatapos ng kakaibang panaginip at tinawag sya ng kanyang Ina.

" Ano po iyon Ina" sagot ni Valentine

" Nagbalik na Ang aking kaibigan galing sa ibang bansa at iyong kalaro dati" galak na sagot ng kanyang Ina.

Napakamot Naman si Valentine sa kanyang ulo sa narinig ' dating kalaro'
Tanong nya sa kanyang sarili.

"Ah. Siya nga pala sa susunod na araw ay mayroong kasiyahan sa kanilang mansion at Tayo ay imbitado, kaya kailangan ay pumunta Tayo sa bayan upang mamili ng ating susuotin" mahabang Saad ng kanyang Ina

Tumango nalamang sya at pumunta sa kanilang Hardin upang diligan Ang mga halaman

Daisy Ang paborito nyang bulaklak sapagkat noong Siya ay bata pa, may nagbigay sa kanya nito. Ngunit Hindi nya maalala Ang pigura nito.

Inutusan si Valentine ng kanyang Ina na pumunta sa palengke upang bumili ng mga sangkap sa lulutuin nito.

Ngayong araw Ang uwi ng kanyang ama na galing siyudad sapagkat Isa syang inhinyero.

Habang sya ay namimili nakasalubong nya Ang Isang binata na parabang pamilyar ito sa kanya. Ngunit Hindi nya maalala.

Ngumiti Ang binata sa kanya at sinabing " Hindi mo naba Ako nakikilala Tine" Saad ng binatilyo.

Natigilan sya sapagkat Isang tao lang Ang tumatawag sa kanya na Tine

"Gregorio" tuwang Saad nito.

Si Gregorio ay Ang kanyang pinsan na nangaling sa ibang bansa.

"Akala ko ay hindi mo na Ako naalala" nakangiting Saad nito

"Kailan ka pa nakabalik? Bakit Hindi mo sinabi sa Amin? At anoyang dalala mo? Sunod sunod na Tanong ni Valentine.

Tumawa ng mahina Ang kanyang pinsan at sinagot Ang kanyang mga katanungan.

"Noong Isang araw lang, sasabihin ko San sa iyo pero pinigilan Ako ni Tito mas maganda raw na supresahin kita. At ito sa asaking nililigawan Dito Siya nakatira" nakangiti nyang Saad.

Ngumiwi si Valentine sapagkat Hindi nanga sinabing uuwi pala ay mayroong ding nililigawan.

Dami mong sekreto ah' Anong sa kanyang isipan.

" Maaari mo bang Sabihin sa sakin kung sino Ang iyong nililigawan.hmm?" Pilyong Tanong Niya rito.

"Malalaman mo Rin balang araw" tugon ni Gregorio at nagpaalam na ito Kay Valentine

Naka uwi na si Valentine sa kanilang Bahay at Nakita nya Ang kanyang ama
Tuwang tuwa ito sapagkat Minsan lamang Silang magsama, dahil sa trabaho ng kanyang ama.


A Promise Where stories live. Discover now