Dumating na nga Ang araw ng pinaka hihintay ng Ina ni Valentine. Habang naghihintay si Valentine at Ang kanyang ama sa Ina ay tinanong nya ito kung dadalo ba Ang kanyang nakakatandang Kapatid.
" Dadalo po ba si kuya Alejio ama?".
"Hindi ko alam anak, sapagkat maraming nagkakasakit Ngayon sa siyudad. Mukhang Hindi sya makakadalo." Saad ng kanyang ama.
Nanlumo si Valentine sa narinig dahil ilang buwan na nyang Hindi na kikita Ang nakakatandang Kapatid.
Simula pagkaba ay Ang kanyang kuya Alejio Ang laging nagtatanggol sa kanya kapag may umaaway o tumutukso sa kanya.
"Bakit parang malungkot ka anak?" May pag alalang tanong ng kanyang ama
"Ah... Wala po ito, ilang buwan ko na kasing Hindi nakikita si kuya" pilit na ngiti nito.
Lumapit Ang kanyang ama at sinabing " Wag lang mag alala, siguradong bibisita iyon sa susunod na linggo." Nakangiti nitong Saad.
"Halikana't nandiyan na Ang iyong Ina" Aya ng kanyang ama na sumakay sa karewahe.
"Ano Ang pinag-usapan ng aking mag-ama? Hmm..."
"Wala po Ina, tayo'y gumayak na at baka Tayo ay mahuli sa kasiyahan." Masayang tugon ni Valentine.
YOU ARE READING
A Promise
Historical FictionSi Valentine ay isang magandang binata na nakatira sa isang maliit na bayan. Isang araw ay nakatanggap ng liham ang nanay ni Valentine mula sa dati niyang kaibigan, hindi maitago ng kanyang ina ang saya na nararamdaman dahil bumalik ang kaibigan niy...