Prologue

9 0 0
                                    


Prologue

Seth POV:

"SIGURADO kana ba d'yan sa disesiyon mo ijo?" Nababahalang tanong ni nay Rena. Nasa harap s'ya ng pinto. Habang ako naman, abalang pinapasok ko sa malita ko ang mga damit at gamit ko. "Hindi mo naman kailangang umalis sa mans'yon. Mag-aalala sa iyo ang mommy't daddy mo, lalo na ang kuya Nath mo at si—"

Bago pa niya mabanggit ang pangalan niya kosa na akong lumingon kay nay Rena at magsalita.

"Para sa akin mas makakabuti kung wala ako rito." Sabi ko. Tapos mapaklang ngumiti kay nay Rena. Malungkot ang mukha n'yang nakatingin sa akin. "Isa pa, hindi kona kayang manirahan pa rito... Lalo na't....."

Wag mo nalang sabihin.

Anang nasa isip ko, nang sumagi sa isip ko si...

"Kung ganon saan ka pupunta?" Tanong bigla ni nay Rena. Tinalikuran ko muna siya t'saka pinagpatuloy ang paglalagay ko sa mga damit sa maleta.

"Sa Korea muna ako, o kaya sa Singapore.. kanila aunt Pi, puwede ring sa Bangkok doon kanila D 'yong classmate ko dati sa college.." sa wakas ay natapos ko ring ipasok sa maleta ang mga damit at gamit ko. Huminga pa muna ako ng malalim t'saka dinampot ang mid'yo may kalakihang kulay itim na bag ko at e sabit ito sa likod ko. "Hindi pa po ako sigurado, siguro pagiisipan ko muna... Pagdating ko doon sa airport.

Matapos sa bag ay 'yong maleta ko naman ang kinuha ko. Pagkatapos nilapitan ko si nay Rena. Niyakap ko s'ya nang mga ilang segundo t'saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya at muling nag salita.

"Pakisabi nalang kay mommy na, humihingi ako ng sorry sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko lalo nasa gagawin ko ngayon."

Niyakap n'ya ako muli, bahagya n'ya pang pinikpik ang likuran ko habang nakayakap siya sa akin. "Wala kang kasalanang ginawa Seth... Wala..." Parang maiiyak na sabi n'ya tapos mas lalo pa akong niyakap.

Bumitaw narin siya sa pagkakayakap sa akin at bahagyang sinapo ang mukha ko at marahang hinahaplos 'yon. "Alam kung itong gagawin mo ay paraan mo para... Kahit papaano ay makalimut ka... dapat ay pigilan kita dahil tungkulin ko yon... Pero mahalaga sa ngayon iyang nararamdaman mo kaya kahit magalit sa akin ang mommy at daddy at kuya mo... Ayos lang iyon." Dahil sa sinabi n'ya muntik na akong maiyak. Muntik ng pumatak ang mga luha ko buti nalang at napigilan ko pa ito. Ayaw kong umiyak sa harap ni nay Rena baka maiyak din siya.

Hinawakan ko ang dalawang palad n'ya na nasa mukha ko't ibinababa iyon at marahan na pinisil.

"Alam ko 'yon." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Mag-iingat ho kayo... Ingatan n'yo ang sarili niyo.. " Sabi ko.

"Sir Seth, handa napo ang sasakyan n'yo" anang bigla ni tay Fredo na kakarating lang sa kinatatayuan namin ni nay Rena.

Binalingan ko naman siya. "Sige ho.." Sabi ko.

"Sigurado kana ba sa desisyon mo sir Seth?" Ganon din ang pag-aalala sa mukha ni tay Fredo ng tanongin niya ako.

"Samahan mo nalang s'ya palabas Fredo..." Si nay Rena ang biglang nagsalita.

"Hali napo kayo sir Fredo."

Pilit din akong ngumiti sa kan'ya.


Nang makapasok ako sa kutsi sa may driver seat dahil ako naman ang magmamaniho.

Nilingon ko sina nay Rena at Tay Fredo na nasa gilid lang ng kutsi ko sa may labas.

Ngumiti lang ako sa kanila, ganon din sila ngunit si nay Rena hindi niya na kayang pigilan ang sarili niya at napaiyak na siya, yakap siya ni Tay Fredo.

Mr. Heartbroken 💔, NextdoorWhere stories live. Discover now