Wrecked Safe Place

61 0 0
                                    

My safe place, was wrecked. Literally, in just a glimpse, i was just standing alone while thinking how my safe place were wrecked.

“There’s no use for us to continue anymore.”

My safe place, left me.

“Ayoko na. Pareho rin naman tayong magdudusa kung itutuloy pa natin ito,”

My safe place, can fight no more. For us.

“I’m sorry, i really do.”

My safe place, gave up.

“Let’s break up, Cade.”

My safe place, aren't safe anymore.

*

NAPAMULAT AKO mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang mga tunog na iyon sa isipan ko. Tumayo ako dahil roon.

Napahaplos na lamang ako sa gilid ng mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko rito kahit hindi naman ako umiyak.

O baka umiyak na naman ako sa panaginip ko dahil sa pagbabalik balik nito sa nakaraang hindi naman na maibabalik.

Safe place, safe place pang nalalaman! Ulol nalang ang aasa pa sa ex kong iniwan ako sa ere! Oo, ulol ako.

Tanga narin kung tanga, pero kung babalik pa ang gago, tatanggapin ko pa. Ganoon ako ka-ulol, ano ngayon? Tsk.

“Marcus, ano ba?! Late na naman tayo niyan e!” tawag sa akin mula sa ibaba.

Boses iyon ng pinsan ko na mukhang hinihintay ako mula sa ibaba.

Ewan ko nga rin sa babaeng ito. Hindi naman kami magka-klase, kung bakit lagi akong hinihintay. Mayroon naman siyang boyfriend na susundo sa kaniya pero lagi niyang trip na gambalahin ako.

Pinunasan ko kaagad ang luha sa akin at tumayo. Kinuha ko ang towel na nakasabit malapit sa walk in closet ko’t pumasok sa banyo upang maligo.

At nang pumatak ang malamig na tubig sa aking katawan, doon ko muling napagtanto ang nakaraang lagi akong hina-hunting sa panaginip ko.

My safe place....

Hindi ko alam kung paano ko ipapakilalang muli sa sarili ko ang lalaking umiwan sa akin. Hindi naman sa ere e, sa mid air lang.

Pero ayon na nga. Hindi parin ako maka-move on kahit limang taon na ang nakakalipas at kahit natahimik na siya sa Paris.

Fourth year college narin naman na ako’t last sem na ngayon. Pagkatapos nito, magiging maayos na at wala ng klaseng gambala sa buhay ko, tsaka narin siguro ako magmo-move on.

Ayon na nga.

Nag-break kami for some reason. Dahil sa iba't ibang rason, gaya nalang siguro nang pagod na siya, hindi na niya ako maintindihan o ang worse dito, dahil sa selos.

Hindi ko parin siya maintindihan hanggang ngayon, sa kung bakit niya ako hiniwalayan e. Ang alam ko lang, hindi niya ako dinaretso.

Ang sabi nga lang niya.

“There’s no use for us to continue anymore.”

I hissed after i mock my ex’s voice on my head. Tch! No use to continue?! Ulol, kaya ko pa ‘no! Kahit nga survival test, ipaglalaban ko parin siya! Siya lang itong wala bilid sa akin.

Dahil sa aking inuungot e, hindi ko inasahang natapos na pala ako sa pagliligo. Lumabas na nga ako sa banyo at dumiretso sa walk in closet ko.

Isinuot ko ang uniform ko dahil malapit na ang pagtatapos ng last sem ngayon, strikto pa naman sila sa University. Kaya kinumpleto ko muna ang uniform ko, hanggang sa sapatos. Mahirap na baka hindi ako pa-graduate-in.

One ShotsWhere stories live. Discover now