Kabanata 5 - Ran Away?!

159 22 8
                                    

Bumaba si remedios para magtanong kung nasaan si imelda.

Jeremy nakita mo ba si imelda? Tanong ni remedios

Hindi po eh. Sagot nito

Asan ang dad niyo? Tanong ni remedios

Nasa garahe po ma, inaayos ata yung makina nung kotse. Sagot ni jeremy

Ah sige baka nandun din si imelda. Sabi ni remedios.

Nagpunta siya sa garahe ngunit si vicente lamang ang naroroon at wala si imelda.

Vicente nasaan si imelda? Tanong ni remedios.

Ewan ko wala ba sa kwarto nya? Tanong ni vicente

Wala eh, tatawagin ko nga sana siya upang mag umagahan, hindi ba pumunta rito? Tanong ni remedios

Hindi. Sagot ni vicente.

Kung ganon nasaan ang batang iyon? Wala rin siya sa sala. Nag-aalalang sabi ni remedios habang si vicente ay napakamot ulo nalang nang biglang tawagin ni kathleen si remedios.

Ma! Tawag ni kath.

Nandito na si michaela sabay daw sila ni imelda papasok! Sigaw ni kathleen mula sa sala

Ay Oo teka sandali papunta na. Sagot ni remedios at dumeretso sa sala.

Hi tita, nariyan po ba si imelda? Sabay po sana kami papasok. Sabi mi michaela.

Ah eh di ko alam kung saan pumunta ang batang yon nawawala eh. Sabi ni remedios na ipinagtaka ni michaela

Baka po nauna nang pumasok. Sabi ni michaela

Di naman yun maaga nagigising, pero baka nga nauna na, tsaka diba lagi kayong sabay pumapasok kaya dapat inaantay ka nya. Sabi ni remedios at tumango lamang si michaela

Kung ganun po edi mauna nalang po ako sa school at baka sakaling nandun si imelda. Sabi ni michaela at tumango na si remedios.

Ferdinand's POV:

Pre punta tayo club mamaya dami chix don. Pagya-yaya ni peter

Kaya nga, ano? Available ka? Tanong ni romeo

No, sa susunod nalang need ko pa mag aral baka mabugbog nanaman ako ni dad kapag nalaman nyang mababa ang grades ko sa sunod sunod na quarter hayss. Sagot ko at tumawa naman ang mga ito, pumasok na kami sa room at wala pa ang dalawang mag pinsan

Uuyy, mukha yatang may hinahanap si pareng macoy. Pang-aasar ni romeo

Sino? Wala ah. Sabi ko

Si President imelda ba mr escort? Pang-aasar ni lino, nandito na pala to?

Nako may naaamoy ako, mukha yatang may something ang dalawang to, kayu naba? Hm? Yieee. Pang-aasar ni peter

No eww bakit naman ako makikipag relasyon sa isang katulad niya? Sabi ko at sabay upo sa table ko nang biglang dumating si michaela, hm weird di nya kasama si imelda.

Hi mica, Good morning. Nakangiting sabi ni romeo.

Ehemm

Ehemm

Enemies with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon