Kabanata 10 - Bruises?

165 15 1
                                    

Uy ferdie sasabay kaba? Papasok nako. Sabi ko kay ferdinand.

Dito nalang muna ako, bantayan ko na lang yung dalawa. Sagot nito kaya umalis nalang ako.

Pagdating ko nang school ay nakita ko si kristen na nakatingin saakin nang masama ngunit di ko nalang pinansin ito.

~Fast Forward~

Nang recess na namin ay nagpaalam muna ako kila michaela na mag C-cr lang ako.

Pagdating ko nang banyo ay may biglang humila sa buhok ko.. si kristen.

Ano ba?! Sigaw ko rito nang bigla ako nitong sampalin kaya napahawak ako sa aking pisngi

Aww masakit ba? Well deserved, masyado ka kasing papansin sa boyfriend ko eh. Sabi nito saakin.

Ha? Ako ni-hindi ko nga kilala kung sino boyfriend mo. Sagot ko.

Si ferdinand malamang di ba obvious? Well masyado ka kasing tanga at bulag kaya di mo nakikita. Sabi nito

Ako? Tanga? Baka ikaw yun, eh lagi ngang naka buntot sakin yan, tas sasabihin mo boyfriend mo? Bakit nanligaw ba sayo? Baka ikaw pa nanligaw sakanya at tinanggihan ka lang. Sabi ko at tinaasan naman ako nito nang kilay. Aba ang taray ah may kabardagulan nako dito sa cr.

Excuse me ha, maghugas lang ako kamay baka hawaan pako nang virus dito. Sabi ko nang bigla nitong hilahin ang buhok ko.

Girls isara niyo yung butas nung sink at punuin niyo nang tubig. Utos nito sa kanyang mga kasama na agad naman siyang sinunod.

Ano b- putol kong sabi nang bigla niyang ilublob ang mukha ko sa tubig.

Ano ba tama n- putol kong sabi nang ilublob niya muli ang mukha ko at tumatawa lang sila.

Teka, parang kulang, parang mas gusto ko exciting. Sabi nito nang biglang lumapit saakin ang dalawa nitong kasamahan at pinulupot ang mga kamay nila sa kamay ko upang hindi ako makatakas.

Nang bigla akong sipain ni kristen sa tiyan, at pagsuntuk-suntukin hanggang sa nanakit ang aking panga sa suntok ni kristen.

Don't you dare tell anyone about this or else you'll regret it, let's go. Sabi ni kristen at ang tangi ko na lamang narinig ang tunog nang susi at pag-lock nang pinto.

Dahil once na ma-lock sa labas ang pinto di na mabubuksan, dahil baliktad ang pagkabit ng pinto, agad naman akong tumayo hawak ang aking tiyan para maabutan ang pinto ngunit na-lock na at tuluyang nawalan ako nang malay.

~Fast forward~

Ferdinand's POV;

Alas kwatro na nang hapon di parin nakakauwi si imelda, 3:00 ang uwian namin kaya dapat nandito na siya kanina pa, nang biglang dumating ang power puff girls but 4 version.

Ferdinand nandito na ba si imelda? Tanong ni michaela.

Wala pa nga eh, hindi ba sumabay sainyo? Tanong ko.

Hindi eh, actually kanina pang recess siya wala hanggang sa matapos ang buong klase di parin namin siya makita. Sagot ni lino kaya agad akong nag-alala.

Eh sabi niya mag restroom lang daw siya kaso pagtapos di na siya nag pakita. Dagdag ni michaela at tumango naman sila thea, lino at sunshine bilang Pagsusumang-ayon.

Chineck niyo ba yung C.R? Tanong ko ngunit umiling lang ang mga ito kaya nagmadali akong pumunta nang kwarto para kunin yung puti kong bomber jacket.

Enemies with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon