Celestine's POV
Hindi lang si Kute ang kasama ko ngayon sa concert, buong pamilya. We are all proud of you, love.
"Kilala pa kaya ako ng bayaw ko?" Natatawang tanong ni Kute.
"Kute umayos ka ha, alam mo naman ang mga fans, matatalim ang tenga at malilinaw ang mga mata niyan. Kaya ingat ingat, baka hindi tayo makauwi ng buhay."
"Bakit ba, hindi naman nila kilala kung sinong bayaw ang tinatawag ko!"
"Basta, ingat ingat tayo, mahirap na."
"Bakit? Kase baka makita ka ni Rigel? Alam mo bunso, sobrang daming tao kaya for sure hindi ka makikita okay?"
"Okay."
"At kung makita ka niya may magagawa ba siya?"
"Aray naman, oo na, wala na siyang pakialam sa akin. Sinaktan ko siya eh."
"With a purpose. Basta, i-enjoy nalang natin 'tong gabi na 'to. Ang mahal mahal ng ticket nila eh."
"Ganon na nga, nasaan na ba si mamu at nanay?"
"Rycel nak, tawagin mo na nga si lola mamang at lola nanay mo. Sabihin mo bilisan dahil baka mahirapan tayong sumakay."
"Lola mamang, lola nanay, bilisan n'yo raw po at baka mahirapan tayong sumakay."
"Ry apo! Sabihin mo sa nanay mo na huwag magmadali dahil hindi pa ako tapos dito sa lola nanay mo dahil ang arte arte ayaw magpalagay ng kolorete at sabihin mo rin na huwag siyang mag alala dahil ihahatid tayo ni Greg." Sigaw ni mamu. Natawa naman ako dahil warla nanaman silang dalawa dahil etong ni nanay, hindi mahilig mag kolorete.
"Nay, narinig n'yo naman po yung sinabi ni lola mamang no? Mahaba po eh, hindi ko po maulit."
"Oo nak, rinig na rinig ko. Laging naka megaphone 'yang si lola mamang mo."
"Kute umamin ka nga sa akin." Dahil wala akong magawa, aasarin ko muna si Kute.
"Anong aaminin ko sayo bunso? Alam mo naman na lahat sa akin."
"Nililigawan ka ba ni Greg? Approved na sa akin! Tignan mo naman, ihahatid pa tayo."
"Hoy bunso, huwag mo sirain ang mood ko ha. Tigilan mo ako sa ganyan."
"Bakit naman? Gwapo, mabait, magalang, lahat na ata nasa kanya, choosy ka pa?"
"Wow ha, edi sayo nalang, bunso naman, alam mo namang hindi kami talo!"
"Bakit nagkaroon ng Rycel?"
"Mga tanungan mo talaga, tigilan mo nga ako at tumigil ka na ha, baka marinig ka ni Ry."
"Kailan mo ba ipapaalam sa anak mo? Alam mo Kute, deserve niya malaman. Alam mo naman feeling ng walang tatay 'diba?"
"Masaya naman tayo kahit wala si tatay at masaya si Ry na kilala niya si Greg bilang tito niya. Okay na muna 'yon sa ngayon."
"Edi may balak ka ngang ipaalam?"
"Hindi ko alam bunso, ayokong magsalita ng tapos. Change topic, tara na, sunduin nanatin yung dalawa sa kwarto."
"Hay nako Kute, sige na nga. Basta nandito lang ako okay? Inaasar kita pero mahal na mahal na mahal kita! Best ate at kuya ka kaya! Payakap nga!"
"Bunso naman! Ang init init eh, tama na ang drama at tara na."
"Wow! Ang ganda ng nanay at ng mamu ko!" Umikot pa si mamu, naka green overlap dress siya at si nanay naman ay naka floral dress.
"Syempre naman apo, kaya nga maganda kayo ni Rose anne, magaganda ang puno n'yo!"
YOU ARE READING
Loving The Brightest Star
FanficCelestine cherished every moment she spent with her family until the day her father suddenly stopped coming home. Despite this loss, she maintains hope that her family would once again be whole. Celestine's first love and first heartbreak was Rigel;...