00

25 4 0
                                    

"Pagod na'ko." Napatigil ako sa paglalakad. Lumingon sa kanya. "Pahinga kana pagdating natin." Ngiting sagot ko ngunit hindi nagbago ang kanyang itsura.

"May problem ba?" Hindi siya sumagot kaya lumapit ako. "Malapit na -" Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya. "Maghiwalay na tayo."

Biglang huminto ang mundo ko dahil sa sinabi niya. "May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi maganda?" Umiling siya. "Itigil na natin 'to. Pagod na'ko sobra." Umiling ako.

"Kung pagod kana, paano pa akong pagod na rin?" Napatingin siya sa'kin. "Napapagod na'ko sobra. Matagal na akong pagod pero iniisip kita."

Umiling-iling ako dahil sa sinasabi niya. Hinawakan ko ang kamay niy. Tinignan siya ng deretso. "P'wede naman tayong magpahinga pero hindi naman natin kailangan pang maghiwalay."

"Itigil na natin. Sorry pero ayaw ko na ituloy pa natin." Sabi niya, kasabay ang pagbagsak ng ulan. Tinignan ko ang mga kamay namin at ang rings namin.

Binitawan ko ang kanyang kamay at tinignan siya ng mariin. "Ayaw ko. Bigyan mo ako ng isa pang rason dahil hindi ako naniniwala sa'yo."

Biglang siyang tumawa."Gusto mo talaga malaman ang dahilan? Pwes sasabihin ko sa'yo." Mariin na niya akong tinignan. "Hindi na kita mahal. Sadyang naaawa lang ako sa'yo kaya hindi ako nakikipaghiwalay."

Pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod kung kaya't matapang ko siyang sinagot. Ayaw ko na ipaglaban pa ang pag-ibig na inaakala kong happy ending ang huli.

"Sana sinabi mo agad nung una pa lang para hindi na nagtagal pa itong relasyon na 'to at para hindi ka nahirapan sobra. Kung doon ka sasaya, doon na rin ako." Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Thank you and I'm sorry." Binitawan na ang kamay niya. Tinignan niya at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"Goodbye, my love." Tumakbo na papalayo.

The End.

Goodbye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon