00

15 2 0
                                    

Gusto ko na umalis sa mundong ito. Kung pwede lang naglaho, naglaho na ako agad. Napagplanuhan kong pumunta ng Sagada ngayon para makapagpahinga naman ako kahit papaano. Gusto kong bigyan muna ng pahinga ang sarili ko.

Umalis nga ako sa siyudad tapos may isa namang Amerikanong turista na nagngangalang Kai naman na napakakulit tapos katabi pa ng kwartong pinagtutuluyan ko. Ilang araw na niya ako kinukulit at ginugulo kahit ilang beses ko siyang sawayin wala ring saysay.

Pagkalabas ko ng kwarto, siya agad bumungad sa'kin. What a nice morning.

"How is your sleep, Miss Beautiful Marina? And Good Morning." Bungad niya sa'kin, inirapan ko siya bago ko sagutin. "It was super good but my mood changed when I came out of my room." Sagot ko sa kanya, tumawa naman siya.

"Don't you want a handsome man the first thing you see in your morning?" Sabi niya, at hinagod ang kanyang buhok at tumingin sa'kin. Gwapong tingin kung titignan at lalong guwapo sa kanya aura. "I might think you like me because you stare too much at my face." Sabi niya sa'kin, at ngumisi ito.

Doon na nabalik sa katotohanan ang sarili ko. Tinignan ko siya ng deretso at nagsalita muli. "Kapal ng mukha." Sabay alis sa harap niya. "I don't understand what you're saying." Sabi niya, habang sinusundan ako.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap muli siya. "Can you stay away from me? I want to rest. I want peace." Pagsaway ko sa kanya, nahinto siya dahil doon.

Akala ko titigil na siya pero bigla siyang lumapit sa'kin at nilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. Ilang space nalang ang nasa pagitan namin bago magkadikit ang mukha namin.

"I will stop when I get what I want. Well if you want peace, I don't want that." Sabi niya, at tumingin siya sa aking labi. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya lumayo agad ako sa kanya.

"You've been getting my attention for a few days but I don't seem to have enough attention yet, what else do you want?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Nagulat siya dahil sa pagsigaw ko. Huminga siya ng malalim bago siya sumagot. "You."

Tumalikod na ako at nagpunta sa pagkakainan ko. Ako ang kailangan pero anong gusto niya sa'kin. Sa daming babae dito, ako pa talaga ang kinulit. Magpapansin lang 'yun tapos iiwan din sa huli kaya huwag nalang.

Napatigil ako sa pagkain dahil biglang sumulpot ang isang waitress at nilapag ang isang buko juice. "Good Morning, Ma'am. May nagpapabigay po niyan sa inyo para daw po maging fresh muna po ang inyong pakiramdam." Sabi niya, at ngumiti siya sa'kin. Nagtaka naman ako dahil doon.

"Sino pong nagpapabigay?" Tanong ko, at tumingin ako sa paligid. Hinanap ang mukha ng makulit kong kapitbahay pero wala siya. "Secret po. Bawal ko daw pong sabihin kung sino daw po siya." Sabi niya sa'kin, napatingin ako sa kanya at mukha siyang kinikilig.

"Thank you." Sabi ko, tumango naman siya sa'kin at muling ngumiti. "Ma'am, baka po magsisi sa huli kapag hindi natin binigyan ng chance ang isang tao. Enjoy your drink, Ma'am." Sabi niya, at umalis na siya. Naiwan akong gulat sa sinabi niya.

Bumalik ako sa reyalidad at tinapos na ang pagkain. Planong kong pumasok sa Sumaguing Cave kaya nag-ayos na ako.

May mga ibang tao rin sa loob pero ako'y nag-iisa. Na-enjoy ko naman kahit papaano kaso parang may kulang. Tahimik ang paligid at puro lakad tapos picture ako. Hindi ko inaasahan na bigla akong nadulas at nagkaroon ng galos sa braso ko.

The PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon