Nakatulala lamang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga puno sa paligid ng aming bakuran. Nag-iisip ng malalim kung ano nga ba ang susunod na gagawing hakbang matapos ang malalang pagtatalo ng aking nobyo.
Isang linggo na ang lumipas at ni isang mensahe ay wala akong natanggap. Kung ako lamang ang tatanungin, ginawa ko na ang lahat ngunit hindi na ata ito sapat upang ipagpatuloy pa ang aming relasyon. Sabi nga nila, "kapag ang isang bagay ay sumobra na sa hangganan, ito ay nakakasama na."
Kahit ang mga matatalik kong kaibigan ay naaawa na sa sitwasyon ko. Ilang beses na rin nila akong pinagsabihan na itigil ko na ang relasyon namin ng aking nobyo dahil hindi na ito nakakabuti sa akin. Ngunit hindi pa rin ako naniwala at patuloy pa rin akong nagpabulag sa mga matatamis niyang salita.
Hanggang umabot sa punto na paulit ulit na lang na nagkakaaway dahil sa paulit ulit na mga rason. Pinapatawad ng paulit ulit at ginagawa muli ang mga kamalian hanggang umabot sa punto na kahit hindi ko na kasalanan, ako na ang humihingi ng patawad upang maayos lamang ang aming relasyon.
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni, ay may kalapating lumapit sa bintana. Siguro ay isa itong senyales, o maaaring hindi. Ngunit tulad ng isang kalapating malayang lumilipad, gusto ko ring makalaya sa isang taong hindi ako kayang mahalin at pahalagahan. Malayang magmahal na walang halong pangamba at kasinungalingan. Yung tapat at totoong pagmamahal.
Hindi rin nagtagal ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob na iwanan siya. Nagpapasalamat ako na sa wakas ay nakalaya din ako sa paghihirap na dulot niya sa akin sa matagal na panahon.
Naniniwala ako na may tamang panahon at pagkakataon para sa lahat ng bagay. Naniniwala ako na darating din ang taong magmamahal sa akin ng tapat at totoo. Tiwala lang.
BINABASA MO ANG
Paglaya
Short StoryMy entry for July's Write - A - Thon Challenge 3.0. Book cover made on Canva, book cover photo from Pinterest. Proper credits to the owner of the picture taken from Pinterest.