Chapter 12

9.4K 365 195
                                    

"May problema ba, mahal ko?" marahang tanong ko sa kaniya.

Mukang hindi naman ako narinig nito dahil nakakakagat-kuko lang ito habang walang buhay na nakatingin sa labas ng bintana.

Kanina ko pa talaga napapansin na mukang siyang balisang-balisa at hindi ko rin naman maintindihan itong aking nararamdaman dahil nakakaramdam na din ako ng hindi maipaliwanga na kaba sa mga kinikilos nito ngayon. Ayoko namang mag-isip ng kahit anong masama ngunit hindi ko maiwasan lalo na at ganito siya ngayon.

Naging ganito lang naman ang mga kinikilos niya ngayon matapos naming manggaling kanina ng hospital at nandito na kami ngayon sa aming inuupahang bahay. Ilang linggo na kasi siyang nilalagnat at nag aalala na ako--actually mataas na talaga ang lagnat niya, palagi din itong nahihilo at nagsusuka kaya kahit gipit na gipit na kami sa pera ay hindi na ako nagdalawang isip pa at dinala na agad siya sa hospital.

Nung una ay ayaw pa niyang pumayag at nauwi pa kami sa pagtatalong dalawa ngunit kalaunan ay napapayag ko din siya dahil nagmaakaawa na ako, nahihirapan din naman akong makitang nahihirapan siya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko at nararamdaman ko iyon.

Kanina ko pa talaga siyang gustong-gustong tanungin ko anong gumugulo sa kaniya ngayon or may sinabi ba ang doctor sa kaniya kaya siya nagkakaganyan ngunit hindi ko naman na nagawang magtanong pa sa kaniya dahil mukang wala talaga siya sa sarili.

"Mahal ko?" nag aalala nang tawag ko pa sa kaniya at alanganing kinalabit siya.

Kunot-noong napalingon naman siya at animong wala parin sa sariling tinignan ako. Napabugtong hininga naman ako at pilit na nginitian pa siya bago ko kuhanin ang isang kamay nito at dahan-dahan iyon dinala sa aking labi upang gawaran iyon ng buong puso at buong pagmamahal na halik.

"Mahal? Kausapin mo naman ako, oh.. kung anong problema? Bakit ka nagkakaganyan bigla? Nandito naman ako ee... Kung ano man yang bumabagabag sayo handa naman kitang damayan... Hindi ka nag iisa mahal, Parang awa mona..." nagmamakaawang tinignan ko siya at parang nagulat pa siya ng ilang sandali bago mag-iwas sa akin ng tingin.

"W-Wala--"

"Mahal naman..." agad na napabagsak ang balikat ko.

Galit na nilingon ako ulit nito kaya hindi ko mapigilang magtaka. Bakit? Anong ginawa ko? Bakit siya nagagalit?

"B-Bakit ba?! Ang kulit kulit mo naman! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?! Kapag sinabi kong wala, wala!"

Gulat na napaigtad ako ng sigawan ako nito ng malakas ngunit ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ng makita ko itong nagsisimula nang lumuha sa harap ko. Agad naman na nilapitan ko ito ng makita kong nanghihina na itong napaluhod sa sahig.

Agad na lumuhod din ako sa harap nito upang mapantayan ko siya. Nanginginig pa ang aking mga kamay at nag aalalang pinunasan ko ang pisnge nitong nabasa na ng luha niya. Hindi ko naman mapigilang mapaluha na rin sa harap nito ng marinig ko ang mahinang hikbi nito.

"M-Mahal---bakit ka umiiyak? Anong problema? Parang awa mona... Sabihin mo naman kung may nagawa ba ako--"

"S-Sorry mahal pero hindi ko s-sinasadya--hindi ko ito ginusto, maniwala ka... M-Maniwala ka wala akong alam--hindi ko t-talaga alam.." animong takot na takot pa itong nakatingin sa akin kaya hindi ko mapigilang magtaka.

"Hindi kita maintindihan, mahal... Ipaintindi mo naman kung para saan yang ang paghingi mo sa akin ng tawad? Ipaintindi mo naman kung anong nagawa mo, bakit pakiramdam ko hindi ito maganda?" kagat labing pahayag ko sa kaniya.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon