Chapter 33

1.1K 36 2
                                    

"P-Prof. Montero?"

Mula sa aking pinagkakaabalahan sa aking laptop ay blangko lang mukha kong nag angat ng tingin nung marinig ko ang pagtawag sa akin nung isa sa mga studyante ko. Nakita ko namang nasa likod ang tumawag sa akin dahil nakataas ang kamay nito bago ito unti unting tumayo mula sa kinauupuan niya.

Napataas ang kilay ko nung parang bigla nalang siyang kinabahan sa klase ng tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Hindi na ito mapakali at hindi na rin makatingin ng diretso sa akin. Tsk, ano bang nakakatakot sa tingin ko? Hindi pa ba sila nasasanay?

"Yes?" naiinip na tanong ko sa kaniya dahil sa tagal tagal niyang magsalita..

"A-Ano po... W-Wala po kasing question yung number 69 pero may choi-"

"Bonus." walang buhay na putol ko agad sa sinasabi niya, bahagya naman itong tumango at muling naupo na.

Lihim akong natawa nung makita kong parang halos magdiwang na silang lahat dahil sa aking sinabi. Kitang kita ko ang bahagyang pag aliwalas sa mga mukha nila para lang sa iisang bonus na iyon. Napailing ako dahil parang kanina lang ay stress na stress sila at animong pinagsakluban sila ng langit at lupa nung mag anunsyon ako na may quiz sila.

Pinagmasdan ko silang lahat mula dito sa aking puwesto. Lahat sila ay tahimik na nagsasagot at talaga namang tutok na tutok sa kani-kanilang papel at hindi lumilingon sa mga katabi nila na bahagya kong ikinangiti.

Kapag nandito ka sa harapan ay malalaman at makikita mo talaga kung ano anong pinaggagawa ng mga studyante mo. Kung sa inaakala niyong hindi kayo nakikita kapag nagkokopyahan kayo? Dyan na kayo nagkakamali. Maybe yung ibang professor or teacher niyo ay nagmamaang maangan nalang, kunyaring walang nakikita at pinapalagpas nalang ang mga pandaraya niyo. Masyadong matalas pa naman ang paningin ko sa mga ganyan bagay, walang nakakalagpas.

Nang mabored ako sa aking pagkalikot sa aking laptop ay tumayo nalang ako at nag ikot-ikot sa loob ng kanilang room. Bahagya ko ding sinisilip yung sagot nung iba, gusto kong mapahalakhak ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil nakita kong iisa lang ang sagot nung iba. Yung bonus pa mismo na binigay ko at ang iba ay blangko pa.

Ilang minuto na silang nagq-quiz tapos wala paring masagot?

Yung iba naman na kapag papunta na ako sa puwesto nila ay bigla nalang tinatakpan yung papel nila. Napapailing nalang ako sa kanila sa tuwing nagtatama ang tingin namin nung ibang studyante kasi halata namang nagpapanggap lang sila.

Mahirap ba yung quiz nila? Halos lahat naman nung nandun ay napag aralan nila, tinuro ko naman iyon.

Narito ako sa likurang bahagi nila nung ilang sandali lang ay bigla nalang bumukas ang pintuan ng room nila at pumasok ang isang pamilyar na babae na may kulay berdeng buhok.

Animong nakilala agad ito ng aking puso dahil halos magwala na ito ngayon habang nakatitig ako sa kaniya.

Dahil sa kaniyang pagpasok ay agad namang naagaw niya ang atensyon ng mga studyante ko, nag angat ang mga ito ng paningin sa babaeng tuloy tuloy lang na pumasok at nagtungo sa table sa unahan at nilapag ang gamit na dala dala niya.

Nagsilungunan naman ang mga studyante ko sa puwesto ko at mukhang nagtataka na sila ngayon kung bakit nandito siya kaya animong walang pake akong nagkibit balikat sa kanila. Napatingin ako sa relong suot suot ko at nakita kong medyo maaga pa naman, meron pa akong isa't kalahating oras sa section na ito. I think, nagkamali lang siya ng room na napasukan.

Nakatitig lang ako sa kaniya na nasa harapan, mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapansin at nararamdaman ang presensya ko dito. Hindi na ako mapakali sa aking puwesto ngayon ngunit pinanatili ko paring matatag at kalmado ang aking sarili.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon