“Gio, how are you? I miss you!”
I said as I ran towards him. He smiled at me and pulled me into a hug. I closed my eyes and buried my face in his chest, he smells so good. Pero nang marealize ko kung ano ang ginagawa ko bumitaw kaagad ako sa yakapan naming dalawa.
Nginitian ko siya bago ako pumasok sa kotse niya. When chico saw me he waggle his tail so I took chico and hug him. Mabuti nga at naisipang isama ni Gio si chico kase ang tagal ko na hindi nakikita si chico. Ilang sandali pa ay pumasok na si Gio sa driver seat at umalis na kami kaagad dahil baka mainip si chico.
“How's life? Mahirap ba nursing?” Gio asked while driving.
Lumingon ako saglit sa kaniya bago sumagot, “Life is really exhausting. Nursing is really hard, minsan nga gusto ko na sumuko kase ang hirap, gusto ko nalang maging pasyente.” sagot ko at natawa dahil sa huli kong sinabi.
Tumango at ngumiti si Gio sa akin. Naka-focus pa rin siya sa pagda-drive, hindi man lang lumingon sa akin. Hinayaan ko nalang siya at nilaro si chico dahil matagal ko na siyang hindi nakita. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa coffee shop na palagi naming pinupuntahan noon.
Naunang bumaba si Gio sa sasakyan at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya kung saan ako umuupo. Hawak ko pa rin si chico at siya naman ay nasa likod ko na nakapamulsa. Gio and I really love this offee shop because pets are allowed to enter the coffee shop and it's really special to us because we met here.
Pagkapasok namin ay naghanap kaagad kami ng mauupuan dahil maraming tao ang nandito, “Sit here, I will order for us. Hintayin niyo lang ako ni chico dito.” sabi niya at aakmang aalis na sana pero tinawag ko ito. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera doon para ibigay kay Gio.
“Kunin mo na, sabi ko naman sa'yo na libre na kita 'di ba?” sabi ko at ngumiti pero siya naman ay nag-aalinlangan kung kukunin ba ang pera o hindi kaya natawa ako, “Sige ka kapag hindi mo ito kinuha hindi na tayo magkikita kahit kailan, pero kung gusto mo talaga na gumastos ka rin libre mo nalang ako ice cream mamaya.” I said and gave him a soft smile, siya naman ay tumango lang sa akin at umalis na kaagad para pumunta sa counter. Kahit kailan talaga ang tipid magsalita nitong si Gio.
YOU ARE READING
The Thought of Loving You
Teen Fictionan epistolary series collaboration | perfect blend series #6