lviii

15 3 7
                                    

“Anong ginagawa natin dito?”

Nagtatakang tanong ko kay Phoebe pagkatapos niya akong hatakin at dinala sa kung saan. It's so dark in here, hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Patuloy ko pa ring tinatanong si Phoebe kung anong ginagawa namin sa lugar na ito pero hindi niya ako sinasagot. Sa sobrang dilim ay hindi ko na alam kung ano ang dinadaan namin pero ang liit ng dinadaanan namin, para kaming nasa eskinita.

Bigla naman kaming tumigil sa paglalakad kaya tiningnan ko siya, “Ba't tayo tumigil? Phoebe, baka ano pang mangyari sa atin dito, gabi na.” nag-aalalang sabi ko sa kaniya pero tinakpan niya lang ang bibig ko at nagsalita.

“Go on, lakad ka lang nang lakad. May naghihintay sa'yo sa dulo.” sabi niya at ngumiti sa akin.

Habang naglalakad ako bigla namang nagbukas ang mga ilaw kaya bigla akong napatigil dahil sa gulat. I look around and realized that this place is our secret place when we're in highschool. We secretly hangout in here when there's a lot of people on the coffee shop na palagi naming pinuntahan.

Dahil diyan may ideya na ako kung sino ang naghihintay sa dulo.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko na nakangiti. Tiningnan ko ang kamay niya, may hawak siyang isang pumpon ng bulaklak.

Lumapit si Gio sa akin at handa na sanang ibigay ang bulaklak sa akin pero bigla akong nagsalita, “Stop it, Gio. No, not today, please.”

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa sinabi ko.

“Why? I like you so much, Zan. Everyone knows about it.” he sadly said.

“I know, I already know it Gio. I'm so sorry to say this but it's better if we stay as friends.” I said while trying to stop my tears to fall down.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na ako papalayo sa kaniya. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Narinig ko naman na tinatawag ni Phoebe ang pangalan ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako sa lugar na iyon. I'm sorry, Gio. I didn't mean to hurt you.


The Thought of Loving YouWhere stories live. Discover now