Letting go

7 1 0
                                    

To see him happy with someone else hurts me so much. His smile is different from how it used to be when he's still mine. It really hurts me to think that he's happier now.

Hindi na ako ang dahilan ng mga pagngiti niya. Hindi siya ganiyan kasaya noong kaming dalawa pa.

"Love, what do you want to eat?" Zach asked her.

"Ahm . . ." the girl bit her lower lip while thinking. "Okay na ako sa street foods. Ikaw ba?"

"Ikaw. Kung ano'ng gusto mo, iyon na rin ang akin," sagot ni Zach habang nakangiti.

"Sure ka ba?"

"I'm also fine with street foods," he answered.

They held hands and walked together while still smiling.

When we were still together, ako ang palaging nasusunod. I never asked him what he likes because I only think of myself and what I want.

Ngayon ko lang napagtanto na napaka-selfish ko pala.

Sinundan ko lang sila. Hindi nila ako napapansin kaya ayos lang naman. Kahit ang sakit-sakit para sa akin na makita silang masaya habang ako ay nagdurusa, lagi ko pa rin silang pinanonood.

It's been two years since we've been apart but still, the pain is here. Siya pa rin ang laman ng puso ko at napakahirap sa aking kalimutan siya.

Hindi ko alam kung kailan ako mapapagod na mahalin siya.

I always follow them even if I look stupid.

They went to the mall and met Tita Sylvia, Zach's mom.

Si Yella, bukod sa pagbati at pagmamano, niyayakap niya rin si tita at silang dalawa ang magkahawak ang kamay habang lumilibot.

When I am still his girlfriend, I just greet her to say hello. Gusto ko si Zach ang palagi kong kasama. Ayaw kong humihiwalay siya sa akin dahil tiyak na pag-aawayan naming dalawa.

"I learned a new recipe, Yella. Punta ka sa bahay tomorrow tapos ipatitikim ko sa 'yo," tuwang-tuwa na sabi ni tita saka hinawakan ang baywang ni Yella.

"Really, tita? Ituro mo rin sa akin para may bago rin akong alam."

I never liked cooking dahil nakakapagod. Nakaka-haggard ang pagluluto para sa akin. Aminado naman akong maarte talaga ako. Only if I know that tita likes a girl who can join her in cooking, sana pala pinag-aralan ko rin magluto.

"Love, punta lang akong comfort room," paalam ni Zach saka tumingin sa mama niya. "Mauna na kayong dalawa sa salon. Susunod ako, ma."

They both nodded at him.

Ito na ang pagkakataon ko na kausapin siya. I want him back and it's time to get what's really mine.

Ang akin ay akin lamang.

Naghintay ako sa labas ng comfort room. Mainipin ako pero para sa kaniya'y nagawa kong maghintay.

Nang buksan niya ang pinto ay nagitla siya nang makita ako.

"Vien?" gulat niyang tanong.

"Zach . . ." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya saka hinaplos ang kaniyang pisngi. "Balik ka na sa 'kin. I miss you so much."

"Vien, I can't," he replied, his eyes starting to water. "H-hindi . . . hindi na puwede."

"Is it because of Yella? I know she's better than me, but trust me, I can make myself better for you. Kaya ko ring gawin 'yong mga ginagawa niya."

He slowly shook his head. "No, Vien. Please, pakawalan mo na ako."

"Hindi puwede, Zach!" galit kong sabi. "Akin ka lang. Hindi ka p'wede sa iba. Sa akin ka lang dapat!"

"Babe, let me go . . ." He cried. "I already let you go. Sana ako rin pakawalan mo na. Huwag mo na akong pahirapan."

"Why, Zach? Why can't we be together?"

"Believe me, I loved you so much." Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya. "I love you still. You will forever have a special place in my heart, and I will never forget you."

"Then why can't you be with me again?"

"I already moved on." He bit his lower lip, a bid of tear fell from his left eye. "Patahimikin mo na ang sarili mo, Vien. You died two years ago. Please . . . let me go."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amidst the Waves of Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon