Part 38

202 5 0
                                    

Sevyn POV

Ang bilis ng araw, parang kahapon lang ay namimili pa lang kami ng gamit sa school tapos ngayon na naman ulit.

"Ang tagal talaga ni Fein." Lukot na ang noo'ng sabi ni Clarissa.

"Hindi ka na nasanay sa kaniya," mahinang tawa ko.

Pagkaraan ng ilang oras ay dumating na rin si Fein at kasunod din noon ay ang pagdating din ng apat.

"Insan!" bati ni Felix kay Clarissa at akmang yayakapin na sana niya si Clarissa nang bigla itong lumipat sa likuran ko. Sumimangot tuloy si Felix.

"Yayakapin ka lang eh," nakangusong sambit nito.

Ngumiwi naman si Clarissa at hinila na kami ni Fein.

"Paano niya nalaman na ngayon tayo bibili?" tanong niya sa amin.

"Wala akong alam diyan..." sambit ni Fein kaya sa akin tumingin si Clarissa.

I shrugged. "Wala rin ako alam..." pagsisinungaling ko.

"Baka nagkataon lang," ani Fein.

"Sana nga, tara na nga." ika niya at nauna nang pumasok sa loob ng pagbilihan ng school supplies.

Nagkaniya-kaniya kaming pinuntahan, si Fein nagpunta sa notebook section, while Clarissa, sa mga ballpen section siya, at ako naman ay nagpunta sa mga libro.

Magtitingin muna ako ng mga libro bago mamili ng mga gamit ko.

"Bakit nawala na rito 'yong mga tinago ko?" bulong ko sa sarili ko habang naghahalungkat.

"You mean... this?" Napalingon naman ako sa nag salita sa gilid ko.

"Oh hi, Mr. Seener!" malawak ang ngiti kong bati sa kaniya.

"Iyan nga, saan mo nakuha 'yan?" tanong ko habang nakaturo sa librong hawak niya na itinago ko dati.

"Malamang dito," sagot niya.

"Pasalamat ka pogi ka eh, bibilhin mo ba 'yan?" tanong ko.

"Malamang... hawak ko 'di ba?" aniya sabay talikod.

Bwisit siya ha.

Nagpunta na lang ako sa notebook section para bumili na ng mga gamit ko. At matapos akong maka pili ay pumunta na ako sa counter para mag bayad.

"Hindi kayo nag hihintay, ah," sabi ko sa dalawang nakapila na.

"Nawala ka kasi eh, kaya nauna na kami." Inirapan ko na lang si Fein.

Matapos akong makapag bayad ay pinuntahan ko na agad 'yong dalawa na naghihintay sa labas.

"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Food court, gutom na ako eh," sabi ni Fein habang naka hawak sa tiyan niya.

"Tara!" Sabay naming sang-ayon ni Clarissa.

Isang large Nachos ang inorder namin at saka tatlong medium size na milk tea. Tumunganga lang muna kami nang ilang oras bagk dumating 'yong order namin.

"Sarap naman niyan, p'wedeng maki hingi?" Biglang sumulpot si Felix sa gilid ni Clarissa.

Muntik nang makakuha si Felix mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Clarissa at hinampas nito ang kamay ng pinsan niya.

"Ang damot mo naman, minus point ka niyan kay Kenn, 'di ba Kenn?" Siko nito kay Kenn.

"Hindi kaya," sagot naman ni Kenn.

"Kingina mo, FO!" bulyaw nito.

"Paki layo na nga 'yang taong 'yan sa amin at baka kung ano pang magawa ko sa kaniya." utos ni Clarissa kina Kenn na agad din naman niyang sinunod.

Bago sila tuluyang makaalis ay nag tama muna ang paningin namin ni Francis kaya naman mabilis ko siyang kinindatan na ikinangiwi naman niya.

"Wala ka talaga hiya, Pito." Natawa na lang ako sa sinabi ni Fein. Nakita niya pala 'yon hahaha.

Pagka-uwi ko sa bahay ay inayos ko muna 'yong mga pinamili ko bago humilata sa kama at natulog saglit.

Wala si mama ngayon kaya makakatulog ako nang matiwasay at walang sermon mag hapon.

Crush, Notice Mo 'Ko! || An Epistolary Where stories live. Discover now