I Thought I Knew

8 1 0
                                    

S T O R I E S  O F
S O M E O N E  E L S E ' S

I Thought I Knew

R A V E

Si Kuya Rave? "Hindi ko po alam..."

"Sabi ng Tita mo nakabalik na daw si Rave nung nakaraan. Akala ko dinalaw niya kayo muna o kaya nag gala, baka nasabi sa'yo."

"Day, hayaan mo na. Baka uuwi din yun mamayang gabi. Finn, pasabi na lang kapag nakita mo pinsan mo, ah?"

"Okay po..."

"O siya. Alis ka na. Huwag ka lang magpagabi, kababae mo pa namang tao." Parang hindi naman necessary banggitin yung last part,

Tumungo na lang ako nang saglit kay Tita saka kay Mama bago lumakad palabas, bumungad sa akin si Stacy na nagdradrawing sa likod ng pinto.

"Ano sabi ni Tita?" Pasilip siya nagtanong. "Si Kuya Rave, baka makita ko daw." Lumingon na siya akin, "Bakit? Nakauwi na ba si Kuya?"

"Di ko alam." Tinarayan niya ako, "Umalis ka na nga lang."

Mahal talaga ako ng baby sister ko. Siningkitan ko siya ng mata bago, "Okay... Alis na ako! Pasok ka na lang mamaya ah, babye!"

Mahina na kumaway sa akin si Stacey, "Bye..."

* I've been hoping somebody loves you in the ways I couldn't. Somebody's taking care of all of the mess I made,
S

omeone you don't have to change *

Sumabay sa timing ng kanta yung paglakad ko,

"I've been hoping someone will love you, let me go..."

Marami pang oras na dadaan bago ako makaabot sa bus stop.

May puno sa tabi ng bahay namin sa probinsiya,

Sabi ni Tio Loiue may kapre daw na nakatira dun, hindi naman ako naniniwala kasi kinukupitan na lang namin yun ng mangga.

"Baka nasa taas yung pinsan mo... Rave pangalan diba? Check natin. Tulungan kita umakyat-"

...Gaano na ba katagal? Ah. Una naming uwi dito sa probinsiya, 8 years old. Nung nahulog ako sa puno ng mangga.

Deputang Kuya Rave.

Iisang anak na lalaki ni Tita Glinda. Mas matanda sa akin ng limang taon. Si Kuya Rave yung pinakaclose namin na pinsan ni Stacey,

Siya lang din kasi yung nakikipag-usap sa amin kaya-

Kahit na 3 years old pa lang si Kuya Rave inexplain na sa kaniya ni Tita Glin kung bakit silang dalawa lang yung nakatira sa bahay o kung bakit panay sila tsinitsimisan ng kapitbahay nila. Lumaki si Kuya Rave na ginagamit yung apelyido ni Tita, Tanyel.

Rave Tanyel...

Kapag tinatanong si Kuya Rave tungkol sa tatay niya isa lang lagi yung sagot niya,

Stories Of Someone Else'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon