kabanata 32

2K 73 13
                                    

IRENE'S POV:

Nang matapos kong bihisan ang anak ko, pumasok na rin ako sa banyo at nadatnan rito si Greggy na nag-sisipilyo. Hindi nya pa 'ko napapansin kaya pinag-masdan ko muna sya habang naka-talikod sya.

Bakit kahit niloko nya 'ko ay hindi pa rin nag-babago ang tingin ko sa kanya? Siguro dahil sa sobrang ganda ng pakikitungo nya sa'kin at sa mga anak namin.

Hindi ko rin sya kayang sisihin kung bakit nya nagawa ang gano'ng bagay. Kahit sabihin kong binigay ko lahat, ginawa ko lahat, hindi ko magawang husgahan sya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at saka yumakap nang mahigpit mula sa likuran nya. "I love you..." Mahinang sambit ko.

Nang pumatak ang mga luha ko ay pinipigilan kong humikbi dahil ayokong tanungin nya 'ko kung bakit ako umiiyak.

"Shh... I love you too, honey.." bulong nya at humarap sa'kin.

He held the both of my cheeks and kissed the tip of my nose. He suddenly wiped my tears... "A-akin ka l-lang... P-please?" Mahinang sambit ko.

"Opo... Sa'yo lang po. I'm sorry, my love.." sambit nya at hinalikan ako sa noo.

Para bang alam nya ang dahilan kung bakit ako umiiyak sa harapan nya. "Y-you're not t-the father of h-her child d-daw... She's t-the one that I-I'm talking with her e-earlier.." sambit ko.

Kita ko naman ang pag-babago ng ekspresyon sa mukha nya. "She said that?!" Tanong nya na may tuwa sa mga mata. Tumango naman ako at agad nya 'kong niyakap ng mahigpit. "Babawi po ako, hon.." bulong nya pa.

Ilang minuto pa ang tinagal namin rito at nag-prisinta pa sya na sya na raw ang mag-papalit ng damit ko.

Tinanggal nya lang ang damit ko kanina at pinalitan ng polo dress na kakulay ng sa kanya.

"Done.. oh wait!" Sambit nya at hinawi ng bahagya ang buhok ko. "Do you remember the pregnancy test po? Nasa'yo po diba?" Tanong nya habang inaayos ang kwelyo ng damit ko.

"Yup. Wait I'll get it." Sagot ko naman at agad na kinuha ang bag ko kahapon ngunit hindi ko muna ito tinignan. "Here." I said at inabot kay Greggy.

Nakita ko naman ang pagkatuwa nya nang makita ang resulta ng pregnancy test. Mas lalo akong kinabahan sa reaksyon nya kaya tinignan ko na rin.

Agad syang yumakap sa'kin at hinalikan ako sa noo. Isa lang ang pulang linyang makikita rito. Ibig sabihin ay negative. Hindi ako buntis!

Sa totoo lang ay ayaw ko na rin mabuntis. Hindi dahil sa ayaw ng anak namin. Matanda na rin kami ni Greggy at hindi ko rin masisiguro na masasamahan pa namin sa pag-laki yung bata kaya sapat na sa'min ang tatlong anak namin. Excited na rin akong maging lola kung sakali.

"Iris will not get mad.." bulong ni Greggy at natawa pa ng bahagya.

IMEE'S POV:

Andito kami ngayon sa bahay nila Irene at tumutulong ako at si Liza mag-handa dahil maya maya lang ay kakain na kami.

Sa garden nag-set up ang mga maids nila kaya tumutulong nalang ako mag-dala ng mga pagkain sa garden.

"Madz, mag-tsinelas ka nga, anak. Para kang batang kalye!" Sambit ko nang masalubong ang anak kong takbo nang takbo. Nakikipag-harutan sa mga kapatid at kuya nya.

"Kalye ka pala eh!" Sambit ni Vinny.

"Ay bungol." Bulong naman ng anak ko kaya tinignan ko sya ng masama at pumirmi naman agad sya sa sofa. Makulit masyado!

Sabay-sabay naman kaming napalingon sa dalawang kotse na pumarada sa harap ng pinto.

Agad akong napangiti nang lumabas si Celeste at ang asawa nito. Sa isang kotse naman ay sina Cali at Cyrus.

Maria Imelda TrioWhere stories live. Discover now