kabanata 67

1.2K 73 13
                                    

IRIS' POV:

"Apo.. apo.." rinig ko ang mahinang boses ni Mama Meldy mula sa labas. Umakyat sya?! Sobrang mahirap na para sa kanya ang pag-ayat ngayon!

Agad akong kumalas sa yakap ni Cali at dali-daling binuksan ang pinto. "Mama? Why?" Tanong ko at bumeso sa kanya.

Wala naman sya nang sagutin ko si Louim dahil natutulog pa sya. "Kain na tayu. Lika na!" Tila excited nyang sambit at may gesture pa ng pag-aya.

Natawa ako ng bahagya dahil ang cute nya. Naka-upo sya sa wheelchair habang may isang nagtutulak sa likuran nya. "Ok, Mama.. let's go.." sambit ko.

Tinignan ko pa si Cali bago lumabas at agad naman syang tumayo para sumabay sa'min pababa. He slowly grab my waist and rub it.

Medyo mahirap ang pagbaba namin kaya tumulong na rin si Cali. Pinatayo nya muna nang dahan-dahan si Mama Meldy at saka nya pinabuhat sa taga-tulak ang wheelchair.

Nabigla naman ako nang dahan-dahan nyang kargahin si Mama. Bridal style ang ginawa nyang pag-buhat.

"Bigat ako!" Natatawang sambit pa ni Mama Meldy.

"Mas mabigat pa rin po si apo mo." Napasimangot ako sa sagot ni Cali. Si Mama Meldy naman ay natatawang tinignan ako.

"Stop it." Saway ko pa.

Nang makababa kami ay ibinalik nya na si Mama Meldy sa wheelchair. Grabe, lahat yata ay gagawin ng lalaking 'to, mapabuti lang ang samahan namin.

Hindi ko inexpect na darating silang mag-ama ngayon dahil mukha ngang walang balak si Cali na suyuin pa 'ko.

Nang maka-balik kami ay tahimik lang silang kumakain. Nasulyapan ko naman ang ref kaya agad akong pumunta doon at hinanap ang icing ko. Wala pa rin?

I pouted. I want to bake eh!

Agad kong naramdaman ang pag-himas ni Cali sa balikat ko mula sa likuran. "What's wrong?" Mahina nyang tanong.

"My icing... I want to bake.." I said just a whisper.

"We can make icing again, later on, my love.. let's eat first po.." Sagot ni Cali.

"Kinain mo ba?" Tanong ko.

Nabigla naman sya na para bang 'bakit ako?!' ang gusto nyang sambitin.

"No, love.. I didn't eat it, maybe someone craved on your delicious icing that's why they didn't hesitate to eat it.." Sambit nya.

Oo nga naman. Baka favorite nila ang gawa kong icing kaya kinain na nila kahit wala pang bread.

Bumalik na kami sa lamesa at alam kong kanina pa sila nakikinig sa usapan namin. "Who ate my icing?" I asked.

Nagtinginan silang lahat at para bang walang may gustong sumagot. "MEE!!!" sambit ni Aris at nakataas pa ang dalawang kamay.

"Oh! You ate it, baby?! Is it yum?" I happily asked.

Basta para sa gusto ni Aris, everything will ok. "Apu, i wuv your chogolate icing!" Nanlaki ang mga mata ko. Chocolate?! Vanilla icing lang ang ginawa ko!

"That's chocolate vanilla, Aris..." Sambit ni tita Imee. Lahat ba sila ay kinain ang icing ko? Bakit alam ni tita Imee?

"A-ah?! Yah! Vamniwa!!!" Tila hindi pa sya sigurado sa kinain nya.

Hindi na 'ko nag-salita at nag-simula nalang akong sumandok ng pagkain ko. Kukuha sana 'ko ng kanin pero si Cali na ang gumawa nito.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan lang sila Mommy. "Oh? Wala pa bang susunod na magpapa-kasal jan? Fonso, may anak kana ha... Isa ka pa, Mike..." Pabirong sambit ni tita Imee at dahan-dahang tumingin sa'kin. Hindi ako buntis! Hindi pwede...

Maria Imelda TrioWhere stories live. Discover now