merry me stranger

4 0 0
                                    

Few hours from now, I would marry the man of my dreams - Kevin Verde, my first love.

I couldn\'t explain the feeling. I couldn\'t even sleep. Ganito siguro talaga ang pakiramdam ng ikakasal. I felt so excited and nervous at the same time.

Humugot ako nang malalim na hininga at diretso akong tumingin sa kisame.

Tomorrow, everything would change.

Siguro, less night outs? Pero sigurado akong hahayaan pa rin ako ni Kevin na gawin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin. May tiwala siyang kaya kong i-handle ang sarili ko.

Napangiti ako. Alam kong hindi basta-basta ang pag-aasawa. I should know my responsibilities and priorities. Sa limang taon na magkarelasyon kami ni Kevin, marami na akong natutunan. Marami na rin kaming pinagdaanan, but despite all the difficulties we\'ve been through, we are here - getting married in a few hours.

Lalo akong napangiti habang naalala ko ang mga happy moments na kasama ko siya hanggang sa nakatulugan ko na iyon.

Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. It\'s 4:32 a.m. as I looked at the digital clock beside my bed. Great. Almost 3 hours lang ang naging tulog ko.

\"Yes, Bal?\" sagot ko sa tawag ng best friend kong si Chantal.

\"Bal? Are you alright? If you need someone right now, Hailey and I can go there ASAP,\" she said in a worried tone.

I chuckled.

\"I\'m fine. Don\'t worry too much about me. Just go back to sleep dahil masyado pang maaga. Make sure that you and Hailey will look exquisite on my wedding day.\" Tukoy ko sa isa ko pang best friend na si Hailey.

Bumangon ako para kumuha ng tubig sa kusina. Ilang sandali rin itong hindi sumagot sa kabilang linya.

\"Bal? Hi-hindi mo pa ba alam?\"

\"Hmm? Ang alin?\" tanong ko sabay inom ng tubig.

\"Kevin texted us about an hour ago. He even called me up, but he dropped the call naman as soon I answered it.\"

\"Really? Anong sabi niya?\" I smiled. Hindi ito sumagot sa kabilang linya. \"Bal?\" Tawag ko rito.

\"He- he said sorry. He- SHT.\" Narinig ko ang mahinang mura niya sa kabilang linya. \"Pupuntahan kita. Stay there, okay?\"

Hindi ko maiwasang kabahan rito. Bago ko pa matanong kung anong nangyayari ay pinatayan niya na ako ng tawag. I was confused, really.

Tiningnan ko ang screen ng phone ko. May missed calls din doon from Hailey. Ano bang problema nila? It was too early. Nakita ko rin ang pangalan ni Kevin sa screen ng phone ko. Wala siyang missed calls pero message iyon, kanina pang 3 a.m..

(I\'m sorry, Zen, but I can\'t marry you.)

Nakaramdam ako nang panunuyot ng lalamunan sa nabasa ko. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

Marahan kong binaba sa mesa ang basong hawak ko and gulped something down my throat.

\"No. Don\'t fking prank me, Kevin,\" I said to nobody. My voice was shaking.

Gusto kong isipin na hindi iyon totoo, but my best-friends won\'t call me repeatedly at this hour kung walang problema. Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang call icon sa gilid ng pangalan nito.

Nakakailang ring na pero hindi niya pa rin sinasagot. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko at wala sa loob na tumakbo ako palabas ng unit hanggang sa makarating ako sa carpark ng tower na tinutuluyan ko.

Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nagmamaneho papunta sa tower na tinutuluyan nito. Hangga\'t maaari ayokong maging emotional lalo pa\'t hindi ko naman iyon narinig mismo sa kanya. Mayroon akong susi ng unit nito, I used to visit him lalo na kapag may sakit siya.

ramdom storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon