"Chapter 1
WARNING!! R18+ Magkakaroon ng maraming SPG scenes. Don't add to library kung ayaw ng SPG. BAKA MAUMAY LANG KAYO!!
Jelly’s POV
“Friend, ang sama ng tingin sa iyo ng anak ni M Luzano oh!” Napalingon ako sa stage na kinaroroonan ng tinuturo ng nguso ng bestfriend kong si Melanie. “Parang gusto ka ng dukutin at dalhin sa mctel at lqpain ang katawan mo,” dagdag ni Melanie na may halong panunukso. Hindi naman nakatingin sa akin ang sinasabi niyang anak ng M dito sa Bulacan. Saglit kong tinitigan ang lalaki na nakatingin sa ibang direksyon at hindi namamalayan ang pagtitig ko, hindi maikakaila na may itsura ito at matikas ang pangangatawan. Ibinalik ko ang tingin kay Melanie.
“Ikaw talaga masyado kang malisyoso hindi naman nakatingin eh,” wika ko sabay iling na lang ng ulo. Ganito kasi lagi si Melanie, mapatingin lang ang lalaki sa akin ay sasabihin na may gusto sa akin. “Pero in fairness, may itsura siya Friend,” wala sa sarili kong sabi sa kaibigan ko na ang atensyon ay nasa speaker sa stage dito sa malaking bulwagan ng University na pinapasukan ko.
Ibinalik sa akin bigla ni Melanie ang tingin na may halong pagtataka.
“Oh, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?” may halo na pagtatakang tanong ko.
“Wala naman,” saglit itong tumigil. “Ngayon ko lang kasi narinig na may pinuri kang lalaki.”
“Ano ka ba, hindi ba tama lang naman na give credit where credit is due,” sabi ko kay Melanie na balak akong tuksuhin. “At kung balak mong manukso, huwag mo nang ituloy pa, dahil hindi pa yata pinapanganak ang lalaking magpapabilis ng tibok ng puso ko.”
“Naku, ikaw talaga, tatanda kang dalaga for sure! Sayang naman ang height mong 5”6 at vital statistics mong 35-24-35. Aamagin lang din pala ang katawan mo nang walang makakalasap, sayang lang at sana sa akin na lang napunta.” Agad nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Melanie, napatingin ako sa paligid at parang wala namang nakakarinig sa amin. Mabuti na lang at busy ang mga kaklase ko sa pakikinig at hindi narinig ang tinuran ni Melanie.
“Ano ka ba naman Melanie, marinig tayo ng classmates natin, sabihin ang lqlqndi natin at lalaki ang pinag-uusapan!” galit na sabi ko kay Melanie, gusto ko na talaga itong kurutin sa singit sa pagiging taklesa nito.
Inirapan na lang ako ng bestfriend ko at tumutok sa speech ng aming Dean.
“Hmmp, sige na nga Miss vlrgln Jelly, mananahimik na ako!” nakanguso na si Melanie habang nakikinig na sa speech ng Dean of College of Education.
Palibhasa ay hindi na vlrgln si Melanie at masyado nang open sa mga bagay na ginagawa lang ng mag-asawa. Sa edad namin na twenty ni Melanie ay eighteen years old pa lang ay naisuko na ng bestfriend ko ang vlrglnlty nito. Dahil nga mag-bestfriend kami ay halos lahat ng pangyayari sa buhay nito ay kinukwento pati ang ginagawa nito ng dating boyfriend. Tinanong ko na nga minsan si Melanie kung nagsisisi ba ito na hindi naman sila nagkatuluyan ng lalaking inalayan ng pqgkqbqbae, ang sabi naman nito ay okay lang dahil mahal niya ang ex niya noong time na ipinagkaloob nito ang vlrglnlty. Magkaiba kami ng kaibigan ko ng pananaw, ako kasi importante sa akin na ‘yung pag-aalalayan ko ng vlrglnlty ko ay ang lalaking mapapangasawa ko na.
Ilang sandali ay natapos rin sa wakas ang school program. Ngayon ang 105th foundation day ng University na pinapasukan ko. Kanina lang ay ako ang isinabak ng College of Education para maging representative ng aming Department para lumaban sa beauty contest para sa lahat ng Department sa University. Dahil sa premyo na twenty thousand ay kinalimutan ko ang kahihiyan ko at nilakasan ang loob para lang manalo. Kailangan ko kasi ang pera para makatulong kahit papaano sa gastusin sa bahay. Kahit labag sa loob ko ang pagsali dahil na rin merong swimsuit competition ay kinapalan ko ang mukha ko. Pakiramdam ko ay ito na nga lang ang nagdala sa performance ko dahil halos lahat daw ng lalaki ay tumulo ang laway nang rumampa ako sa stage, sa huli ako ang nagkamit ng first prize na twenty thousand.
BINABASA MO ANG
ramdom story
Randomhi mga bhie tripp kulang i copy to nakita kulang kase sa facebok nagandahan lang ako putul sya mga bhe pag ito umabot ng 1k reader gagawan ko to ng kasunod hehehehh